28.1 C
Manila
Friday, April 12, 2024

Chinese Horoscope Oktubre 21, 2023

DAGA (RAT)

Gawin mong kapaki-pakinabang ang araw na’to. Huwag mong gayahin ang nakakatanda sa’yo na hindi magandang halimbawa. Pulutin mo lang ang magaganda niyang gawa at huwag ang mga katamarang likas na sa kanya.

Masuwerteng numero;3,5,8,10

BAKA (OX)

Magiging kaaya-aya ang araw na ito para sa’yo. Isang tao ang magsisilbing inspirasyon mo. Bukod sa pagiging inspirasyon ay wala ng dapat humigit pa doon. Hindi mo siya kailangan iwasan pero hindi rin dapat na ilapit mo ang sarili mo sa kanya. Lumagay ka lang sa lugar.

Masuwerteng numero; 6,7,11,12

TIGRE (TIGER)

Mahal ka ng iyong asawa pero hindi mo ito dapat abusuhin. Sinusubukan pa niyang palawakin ang pasensya at pang-unawa niya hangga’t kaya pa kaya huwag mo itong sagarin dahil ikaw rin ang magsisisi sa huli.

Masuwerteng numero; 1,2,4,9

KUNEHO (RABBIT)

May magandang iaalok sa’yo ang boss mo sa trabaho. Mahirap tanggihan pero magagawa mo pa ring tanggihan. Isasaalang-alang mo kasi ang mas ahead sa’yo. Kung may magagawa ka pa, baguhin mo ang desisyon mo dahil hindi tama ang nauna.

Masuwerteng numero; 9,10,13,14

DRAGON (DRAGON)

Lalabas ang pagka dragon mo dahil sa isang kapitbahay na sa tingin mo ay hindi maayos makipag-usap. Kalma ka lang at huwag masyado magpakagalit dahil malakas itong makapangit. Mas mabuti kung idadaan mo na lang sa mahinahong pakikipag-usap ang lahat.

Masuwerteng numero; 1,5,6,7

AHAS (SNAKE)

Mapuputol ang pag-iilusyon mo sa isang tao. Makikita  ng sarili mong mga mata kung gaano niya kamahal ang ibang babae at wala kang magagawa sa bagay na ‘yon. Pakawalan mo na ang ilusyon na ‘yon at magpokus muna sa sarili mo.

Masuwerteng numero; 1,2,11,17

KABAYO (HORSE)

Mapipilitan kang batiin ang isang kaibigan na matagal mong nakaalitan. Iyon ay dahil sa isang sitwasyon na kakailanganin nyo ang isa’t-isa. Bagamat magkakabati kayo ay hindi ibig sabihin na maibabalik nyo pa ang dating closeness nyo.

Masuwerteng numero; 3,6,9,13

TUPA (SHEEP)

Gagawin mo ngayong araw ang isang bagay na matagal mo ng gustong gawin pero hindi mo magawa-gawa. Ito na ang pagkakataon mo at hindi mo na ito dapat pang palampasin. Kapag nasimulan mo na ay kailangan mong tapusin.

Masuwerteng numero; 4,5,7,8

UNGGOY (MONKEY)

Magngingitngit ang loob mo dahil sa nangyayari ngayon sa isang taong malapit sa’yo. Gusto mo siyang tulungan pero hindi mo alam kung paano. Huwag kang magpapadalos-dalos ng desisyon dahil mahirap makialam sa problemang pang mag-asawa lang.

Masuwerteng numero; 10,12,16,17

TANDANG (ROOSTER)

Mag-eenjoy ka ngayon ng husto dahil nasa sa’yo ang atensyon ng taong mahal mo. Pero huwag mong kakalimutan na may tunay na nagmamay-ari sa kanya at darating ang araw na ang ginawa mo sa iyong kapwa ay maaari ding mangyari sa’yo.

Masuwerteng numero; 2,3,9,11

ASO (DOG)

Malilimitahan ngayon ang pagtulong mo sa mga kaibigan mo dahil ang iyong sariling pamilya naman ang mangangailangan ng tulong. Dapat lang na ibigay mo sa kanila ang para sa kanila. Pamilyado kang tao at lagi mong tatandaan na mas kailangan ka ng iyong pamilya kaysa kaibigan.

Masuwerteng numero; 10,12,18,19

BABOY (PIG)

Magandang pagkakataon ito para makabawi ka mula sa naluging negosyo. Aakalain mong hindi mo na ito makakayang solusyunan kaya magugulat ka sa pagdating ng isang hindi inaasahang tulong mula sa taong hindi masyadong malapit  sa’yo.

Masuwerteng numero; 7,9,14,20

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.