28.2 C
Manila
Thursday, June 20, 2024

Chinese Horoscope Oktubre 18, 2023

DAGA (RAT)

Kung komportable ka sa gagawin mo ngayon ay gawin mo na at huwag nang magpatumpik tumpik pa. Iyan ang nakakasira lagi sa diskarte mo, ang pag-aalinlangan. Kahit pa sigurado ka na talaga sa gusto mo ay palagi ka pa ring nagdadalawang isip kaya walang nangyayari.

Masuwerteng numero; 1,5,6,8

BAKA (OX)

Mananatiling palaisipan sa’yo ang tungkol sa paglayo ng isang kaibigan. Hindi mo na malalaman ang dahilan at sagot sa’yong mga tanong dahil magpapakalayo-layo na siya. Kahit sa mga mas malalapit sa kanya ay wala kang malalaman.

Masuwerteng numero; 3,4,11,18

TIGRE (TIGER)

Magiging bukas palad ka sa isang bagong kakilala ngayong araw. Hindi mo alam ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang gaan ng loob mo sa kanya kahit wala ka pang masyadong alam tungkol sa kanya. Iyan ay dahil isa siya sa malapit sa buhay mo noong first life mo.

Masuwerteng numero; 9,12,16,17

KUNEHO (RABBIT)

Hindi magiging maganda ang araw mo dahil sa masamang pakiramdam ng iyong katawan. Sasabayan pa ng sakit ng ulo mo dahil sa stress sa trabaho. Mas makakabuti kung uuwi ka na lang muna at magpapahinga.

Masuwerteng numero; 5,6,10,14

DRAGON (DRAGON)

Lahat ng paghihirap mo ay masusuklian din. Nasa harapan mo na ang suwerteng hinahanap mo. Siya ang may bitbit ng suwerte na nakalaan sa’yo kaya huwag mo na siyang pakakawalan. Marami ang sa kanya ay nag-aabang.

Masuwerteng numero; 9,10,19,20

AHAS (SNAKE)

May oportunidad na kakatok sa pintuan mo. Pero bago mo ito tanggapin ay kailangan mo munang pag-isipang mabuti. Bagamat suwerte ang oportunidad na ito, ito ay may kakambal ding malas na sa huli mo na lang  mapapansin.

Masuwerteng numero; 2,3,7,9

KABAYO (HORSE)

May mahalagang bagay kang kailangan ayusin. Kung hindi mo ito pagtutuunan ng pansin ngayon at sosolusyunan, malaki ang posibilidad na magdulot ito ng problema sa’yo sa hinaharap. Kaya’t habang maaga pa ay ayusin na.

Masuwerteng numero; 6,10,15,16

TUPA (SHEEP)

Mauubos ang pasensya mo sa kakulitan ng isang bata. Gayunpaman, huwag mong kakalimutan na siya ay bata pa. Kaya dapat mong lawakan ang iyong pang-unawa bilang nakakatanda. Ikaw ang magsisilbi sa kanyang halimbawa.

Masuwerteng numero; 9,12,14,19

UNGGOY (MONKEY)

Makikita mo ngayon kung sino talaga ang mga tunay mong kaibigan. Sila yung nakahandang sumuporta sa’yo kahit pa nagkaroon kayo ng alitan. Ilan din naman sa kanila ang nanatili sa tabi mo mula sa simula at wala silang balak na iwanan ka kaya masuwerte ka sa kanila.

Masuwerteng numero; 3,7,11,13

TANDANG (ROOSTER)

Panghihinaan ka ng loob dahil sa sunud-sunod mong kabiguan. Hindi mo ito dapat maramdaman lalo pa at maraming tao sa likuran mo ang nakaalalay sa’yo at handang saluhin ka. Ipakita mo sa kanila na kayang-kaya mo ang sarili mo.

Masuwerteng numero; 9,14,16, 20

ASO (DOG)

Kakailanganin ng iyong mahal ang tulong mo. Hindi lang sa pinansiyal kundi maging ang iyong moral support dahil sa mabigat na pagdadaanan niya. Kailangan mong maging bukas sa kanya para hindi niya isipin na wala siyang kakampi.

Masuwerteng numero; 5,8,10,12

BABOY (PIG)

May magpparamdam sa’yo pero hindi mo ito bibigyan ng pansin dahil sa sobra mong pagiging abala sa trabaho. Gayunpaman, desidido siya na mapansin mo kaya patuloy siyang magpaparamdam sa’yo hanggang sa mapansin mo.

Masuwerteng numero; 4,7,8,11

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.