31.6 C
Manila
Sunday, June 23, 2024

Chinese Horoscope Oktubre 17, 2023

DAGA (RAT)

Aayusin mo ang gusot na sinimulan ng isang kamag-anak. Kahit pa wala kang kinalaman sa problema niya ay mapipilitan kang  ayusin ito dahil wala naman siyang ibang maaasahan kundi ikaw.  Ikaw lang kasi ang nagmamalasakit sa kanya.

Masuwerteng numero; 7,8,11,12

BAKA (OX)

Mararamdaman mo ang pagdududa ng iyong kapareha. Hindi man ito bigkasin ng kanyang mga labi ay makikita naman sa kanyang mga kilos. Dito mo mapapatunayan na action speaks louder than voice. Alam mo na ang dapat mong gawin para mawala ang kanyang pagdududa.

Masuwerteng numero; 1,3,4,10

TIGRE (TIGER)

Gagawin mo ang lahat para makabawi ka ngayon sa trabaho. Hindi kasi maganda ang naging performance mo nitong mga nagdaang araw kaya kailangan mong maghabol at maipakita na kaya mo pang mapabuti ang trabaho mo.

Masuwerteng numero; 2,5,8,14

KUNEHO (RABBIT)

Sosobra ka sa inom kaya mahihirapan kang kontrolin ang sarili mo. Maraming salita ang lalabas sa bibig mo na makakasakit sa mga kaharap mo. Hindi mo na mababawi anuman ang nasabi mo kaya pag-isipan mo na kung paano hihingi ng paumanhin kinabukasan.

Masuwerteng numero; 13,15,16,19

DRAGON (DRAGON)

Maaliwalas ang araw na’to para sa’yo. Magaan ang pasok ng suwerte sa negosyo kaya samantalahin mo. Huwag mong bibigyan ng puwan ang nega vibes na nakaabang lang sa paligid para magtuloy-tuloy lang ang pasok ng suwerte.

Masuwerteng numero; 11,15,17,20

AHAS (SNAKE)

Mag-aalangan ka na lapitan para hingan ng tulong ang isang dating kaibigan dahil matagal  kayong nawalan ng komunikasyon at hindi nagkita. Pero dahil sa sobrang kagipitan ay mapipilitan ka pa ring gawin at hindi ka mapapahiya.

Masuwerteng numero; 3,4,9,13

KABAYO (HORSE)

Hindi lahat ng kutob mo ay tama. Paminsan-minsan ay pakinggan mo rin ang sinasabi ng iba. Para ito sa ikakabuti mo. Huwag mo siyang palaging sundan dahil ililigaw ka mismo ng mga hinala mo. Uuwi siya sa’yo ng buo, tulad pa rin ng dati.

Masuwerteng numero; 5,6,12,17

TUPA (SHEEP)

Maninibago sa’yo ang iyong mahal. Sa dami ng pagkakamaling nagawa niya ay palagi mo itong sinasalubong ng galit at sumbat, subalit sa pagkakataong ito ay mahinahon mo siyang haharapin. Ipagpatuloy mo lang ang pagpapalawak ng iyong pang-unawa.

Masuwerteng numero; 6,8,10,11

UNGGOY (MONKEY)

Mauunawaan ka niya pero hindi niya ito ipaparamdam sa’yo dahil natatakot siya na mamisinterpret mo ang mga sasabihin niya. Iniiwasan kasi niyang mahulog siya sa’yo at ikakalungkot mo ang pag-iwas na iyon.

Masuwerteng numero; 2,5,9,10

TANDANG (ROOSTER)

Makakaramdam ka ng sobrang pagod ngayong araw . Ito ay dahil magugugol ang buong maghapon mo sa pamimili ng paninda. May mga makakalimutan ka kasi na importante kaya magpapabalik balik ka at wala kang magagawa dahil kailangan.

Masuwerteng numero; 7,13,14,19

ASO (DOG)

Isang bagong kakilala ang mag-iimbita sa’yong lumabas para gumimik. Magdadalawang isip ka dahil nga sa hindi mo pa siya masyadong kilala. Sa huli ay mapapa oo ka pa rin at hindi ka magsisisi dahil mag-eenjoy ka nang husto sa company niya.

Masuwerteng numero; 1,10,11,20

BABOY (PIG)

Normal lang na makaramdam ka ng kalungkutan sa pagkawala ng iyong alagang hayop. Ang hindi normal ay ang maghapon at magdamag mong pagmumukmok na maski pati ang sarili mong asawa at anak ay hindi mo papansinin.

Masuwerteng numero; 3,4,12,16

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.