24.8 C
Manila
Tuesday, July 23, 2024

Chinese Horoscope Nobyembre 28, 2023

DAGA (RAT)

Magkakaroon ka ng bagong kaibigan. Siya ang tao na makakatulong sa’yo sa problema mong may kinalaman sa negosyo. Marami kang matututunan sa kanya kaya naman dapat mong ipagpasalamat ang pagdating niya sa buhay mo.

Masuwerteng numero; 3,23,25,40

BAKA (OX)

Iwasan ang nadadalas mong pagtambay sa isang lugar na di tugma sa iyong personalidad. Mailap ang suwerte mo dito at hindi ka gaanong mag go-grow sa mga taong nakapaligid sa’yo . May tamang lugar ang bawat tao at hindi ka nababagay dito.

Masuwerteng numero; 11,15,18,22

TIGRE (TIGER)

Hindi mo kailangang kunsintihin ang iyong mahal sa mga gawain na alam mo namang hindi makakabuti para sa kanya. Pero gagawin mo pa rin. Kaya naman sa huli ay hindi mo maiiwasan na makaramdam ng pagsisisi.

Masuwerteng numero; 52,54,61,67

KUNEHO (RABBIT)

May pagbabagong magaganap sa grupong kinaaaniban mo. Bagamat ito ay hindi gaanong makakaapekto sa’yo ay marami naman sa iyong mga ka-grupo ang maaapektuhan kaya gagawa ka ng paraan upang makatulong.

Masuwerteng numero; 4,25,28,30

DRAGON (DRAGON)

Hindi ka magsisisi sa pagtanggap mo sa oportunidad na pinagdalawahang isip mo. Tama lang na isinantabi mo ang iyong pag-aalinlangan at pinili na yakapin ang oportunidad na ito dahil ito ay sadyang laan para sa’yo.

Masuwerteng numero; 32,33,37,48

AHAS (SNAKE)

Malapit ka sa disgrasya ngayon kaya naman mas makakabuti kung pipiliin mo na lang munang manahimik sa loob ng inyong bahay kasama ang pamilya kaysa magpunta sa isang lugar kasama ang barkada.

Masuwerteng numero; 5,13,14,20

KABAYO (HORSE)

Hindi mo maiiwasan na mag-alala sa isang kapamilya na walang pagpipilian kundi ang lumayo. Mahalaga sa’yo ang pinagsamahan nyo bilang pamilya kaya labis mong ikakalungkot ang kanyang nabuong desisyon.

Masuwerteng numero; 16,26,33,39

TUPA (SHEEP)

Panahon na upang imulat mo ang iyong mga mata sa katotohanan. Dapat mong isipin ang damdamin ng ibang tao hindi lang ang sarili. Sa ayaw at sa gusto mo, ang dapat mong gawin ay palayain ang isang tao na hindi para sa’yo.

Masuwerteng numero; 45,47,54,63

UNGGOY (MONKEY)

Hindi masamang umasa kahit pa wala ka nang matanaw na pag-asa. Ipagpatuloy mo lang ang iyong mga panalangin at tibayan pa ang pananalig. Hindi binibigo ng Diyos ang nananalangin ng mabuti at may sinseridad sa puso.

Masuwerteng numero; 4,12,23,29

TANDANG (ROOSTER)

Maganda ang araw na ito para sa’yo at para sa iyong pamilya. Isang salu-salo ang magaganap sa tahanan ng isang kamag-anak na magbibigay daan sa isang mahabang kuwentuhan at kumustahan ng bawat isa at isang plano para sa lahat ang mabubuo.

Masuwerteng numero; 20,31,55,69

ASO (DOG)

Hindi pa ngayon ang araw ng katuparan ng iyong pangarap subalit mararamdaman mo na malapit na malapit na ito sa’yo. Tibayan mo pa ang kapit at ipagpatuloy mo lang ang mga effort na ginagawa mo sa ngayon.

Masuwerteng numero; 61,68,77,78

BABOY (PIG)

Kakailanganin mo ang sapat na lakas ng loob para harapin ang isang tao na nagpaluwag sa’yo noong panahon na ikaw ay nasa gitna ng kagipitan. Sa halip na siya ay katakutan, dapat mo siyang harapin at gawin ang tama.

Masuwerteng numero; 14,15,34,40

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.