31.6 C
Manila
Sunday, June 23, 2024

Chinese Horoscope Nobyembre 20, 2023

DAGA (RAT)

May malalaman kang hindi kanais nais at ito ay may kaugnayan sa iyong karelasyon. Pero magdadalawang isip ka na komprontahin siya dahil alam mo naman na itatanggi lang niya ito sa’yo tulad ng lagi niyang ginagawa.

Masuwerteng numero; 12,14,25,28

BAKA (OX)

Hindi mangyayari ang inaasahan mo. Ang oportunidad na hawak mo na sa mga kamay mo ay biglang tatangayin ng hangin palayo sa’yo. Gaano man ito maging masakit para sa’yo ay wala kang magagawa kundi tanggapin ito.

Masuwerteng numero; 4,10,11,20

TIGRE (TIGER)

Iwasan maging judgemental upang hindi rin ito gawin sa’yo. Ngayong araw ay makakaranas ka ng isang panghuhusga. Hindi ito katanggap tanggap para sa’yo kaya naman dapat mong pulutin ang lesson na iiwan nito.

Masuwerteng numero; 3,16,42,45

KUNEHO (RABBIT)

Hindi mo na kakailanganin ang tulong ng iba. Kakayanin mo na gawin ang isang bagay na mag-isa dahil meron kang kakayahan na wala sila. Ang kailangan mo lang gawin ay maging matapang at malakas ang loob sa pagharap dito.

Masuwerteng numero; 3,6,7,8

DRAGON (DRAGON)

Wala kang balak magpasakop sa nais mangyari ng isang kamag-anak. May ibang opinyon kang ikokonsidera at ito sa tingin mo ang mas higit na makakabuti para sa lahat na bumubuo ng inyong pamilya.

Masuwerteng numero; 31,34,46,50

AHAS (SNAKE)

Piliin lang ang iyong mga makakasama sa araw na ito. Iwasan mo ang isang tao na alam mo naman kung ano ang intensyon sa’yo. Sisirain niya lang ang araw mo at maaari pa siyang magdulot ng problema sa’yo sa hinaharap.

Masuwerteng numero; 7,13,14,31

KABAYO (HORSE)

Magiging masaya ang araw na ito kasama ang buong pamilya. Lubos mong madarama ang pagmamahal sa’yo ng iyong kabiyak. Kaya naman ang buong maghapon mo ay puno ng kulay hanggang sa kahabaan ng magdamag.

Masuwerteng numero; 53,55,67,69

TUPA (SHEEP)

Ilang ulit mo mang natanggihan ang isang proyekto ay sa’yo at sa’yo pa rin ito babagsak dahil ito ay nakalaan lamang para sa’yo. Mag-isip ng mabuti at huwag maging selfish kung nais mo na mapagtagumpayan ito.

Masuwerteng numero; 41,52,78,80

UNGGOY (MONKEY)

Sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay mailalabas mo ang isa pa sa mga natatago mong talento. Magiging dahilan ito para madagdagan ang iyong mga tagahanga. Magiging mabango ka sa paningin ng lahat.

Masuwerteng numero; 35,39,49,53

TANDANG (ROOSTER)

Maghinay hinay sa pagkain ng maaalat.Malapit ka ngayon sa karamdaman na may kaugnayan dito. Mas makakabuti kung ikokonsidera ang mga healthy foods tulad ng gulay at prutas para makasiguro na nasa mabuti ang iyong kalusugan.

Masuwerteng numero; 25,27,38,66

ASO (DOG)

May bagong magpapangiti sa’yo ngayon. Matapos ang lahat ng hirap na pinagdaanan mo sa natapos mong relasyon ay panahon na para sa muling pagsilay ng ngiti sa iyong mga labi. Mapapanatag ka na rin sa wakas.

Masuwerteng numero; 79,81,83,85

BABOY (PIG)

Magkakaroon ka ng pagkakataon para maibaling sa iba ang atensyon mo. Pansamantala ay magagawa mong iwan ang stress na labis na nagpapabigat sa loob mo. Araw ngayon ng pagrerelax at pagsasaya para sa sarili.

Masuwerteng numero; 46,49,59,70

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.