27.3 C
Manila
Sunday, June 16, 2024

Chinese Horoscope Nobyembre 2, 2023


DAGA (RAT) Walang pag-aalinlangan na tutugunan mo ang pangangailangan ng iyong minamahal sa buhay. Alam mo na ikaw ang kanyang tatakbuhan, kaya’t handa kang maging bukas-palad para sa kanya. Sa lahat ng ito, walang makakapantay sayo. Masuwerteng numero; 11,32,35,36

BAKA (OX) Kahit anong gawin mo, kung hindi para sa iyo, hindi mo makakamtan. Gayundin sa mga tao, huwag mong pilitin ang sarili mo sa isang taong hindi ka naman talaga gusto. Masuwerteng numero; 4,5,16,20

TIGRE (TIGER) Hindi mo mapipigilan ang isang tao kung determinado na siya sa kanyang mga plano, maliban na lang kung mag-alok ka ng mas magandang plano. Pero kung puro salita ka lang, huwag kang umasa na mapapabago mo siya. Masuwerteng numero; 13,14,25,32

KUNEHO (RABBIT) Marami kang matututunan mula sa isang tao na ikinaiinis mo kung bibigyan mo siya ng pagkakataon na magbahagi ng kanyang kaalaman sa iyo. Huwag mong hayaang maging mas mataas ang galit kaysa sa may dahilan. Masuwerteng numero; 32,40,41,44

DRAGON (DRAGON) Maganda ang iyong kinabukasan kung magpapatuloy ka sa iyong mga pagsisikap. Huwag mong pansinin ang mga tao sa paligid na natatakot mabaguhang sila ng iyo. Mag-focus ka sa mga bagay na kinakailangan mong gawin. Masuwerteng numero; 5,15,23,36

AHAS (SNAKE) Maging maingat sa mga manloloko sa social media. Madaling mapadala ng kanilang mga salita, lalo na kung desperado ka. Maging handa kang makinig sa payo ng mga kaibigan upang maiwasan ang mga panganib. Masuwerteng numero; 9,17,18,22

KABAYO (HORSE) Magkakaroon ka ng pagkakataon na makita muli ang isang dating kaibigan. Madarami kang malalaman tungkol sa mga dating kakilala. Mahihikayat ka sa kanilang mga kwento at maaring magkaruon ng inspirasyon para sa iyong sariling buhay. Masuwerteng numero; 30,41,59,65

TUPA (SHEEP) Ingatan mo ang mga orihinal mong ideya dahil may posibilidad na mapanakaw ito. Kapag nawala ito sa iyo, mahihirapan ka nang makuha ito ulit. Mag-isip ka na ng mga hakbang para maprotektahan ang iyong mga ideya. Masuwerteng numero; 6,13,17,34

UNGGOY (MONKEY) Magiging inspirado ka ngayong araw. Magmumula sa isang tao na hindi mo inaasahan. Ang buong araw ay puno ng kaligayahan at kakampi mo ito hanggang sa oras ng pagtulog. Masuwerteng numero; 44,57,68,79

TANDANG (ROOSTER) Tanggapin mo na hindi araw-araw ay may swerte at kasiyahan. Kahit hindi maganda ang araw mo ngayon, huwag mo itong labis na problemahin. Tumatagal ka dahil umaasa ka sa mas magandang bukas. Masuwerteng numero; 21,22,39,41

ASO (DOG) Huwag kang makialam sa mga alitan ng iyong mga kamag-anak kung hindi ka naman talaga kasali. Hindi ito magdudulot ng kahit anong mabuti kundi mas lalala lamang ang sitwasyon. Masuwerteng numero; 2,10,14,15

BABOY (PIG) Mararamdaman mo ang paglamig ng inyong relasyon. Alamin mo agad ang dahilan nito upang magawan ito ng paraan. Kung hindi ka kikilos, maaaring magdulot ito ng malaking pag-urong sa inyong pag-ibig. Masuwerteng numero; 51,55,64,69

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.