27.3 C
Manila
Sunday, June 16, 2024

Chinese Horoscope Nobyembre 15, 2023

DAGA (RAT)

Huwag kang magpapadalos dalos ng pagdedesisyon dahil ngayong araw ay malaki ang posibilidad na ikaw ay magkamali. Maaari kang mapasok sa isang kompromiso na hindi mo naman makakayang tugunan.

Masuwerteng numero; 12,13,25,31

BAKA (OX)

Hindi na uubra ang taktika mo para makumbinsi ang isang tao sa nais mong mangyari. Kung gusto mo talaga na ikaw ang masunod ay kakailanganin mong baguhin ang iyong taktika. Bawasan ang kataasan ng pride.

Masuwerteng numero; 38,45,47,49

TIGRE (TIGER)

Kung hindi mo pa nakakamit ang gusto mo, hindi ibig sabihin na hindi mo nagagawa ang best mo. Ito ay nangangahulugan lamang na hindi pa ito ang tamang panahon para sa hinahangad mo. Ipagpatuloy lang ang pagsisikap.

Masuwerteng numero; 1,2,3,4

KUNEHO (RABBIT)

Muli mong makakakrus ng landas ang tao na dati mong minahal. Magugulat ka dahil sa oras na makita mo siya ay wala na ni katiting na feelings na akala mo dati ay forever na sa puso mo. Ikasisiya mo ito dahil ngayon ka makakasiguro na nakamove on ka na nga.

Masuwerteng numero; 4,10,14,15

DRAGON (DRAGON)

May magbabalik sa buhay mo at magkakaroon ka ng pagdadalawang isip kung siya ay muli mo pang tatanggapin at patutuluyin. Hindi biro ang inyong pinagdaanan kaya hindi mo masisisi ang sarili sa mararamdaman.

Masuwerteng numero; 20,21,28,33

AHAS (SNAKE)

Sakto lang ang suwerteng papasok sa negosyo. Sapat para matugunan ang pangangailangan ng buo mong pamilya. Hindi ito ang tamang panahon para gumastos ka sa mga bagay na hindi mo pa kakailanganin.

Masuwerteng numero; 35,42,57,60

KABAYO (HORSE)

Walang silbi ang paninira nila kung ito ay hindi mo papatulan. Subalit hindi mo magagawa.Sa kabila ng iyong pagpipigil ay hindi mo magagawang manahimik kaya naman ang araw na ito ay puno ng stress para sa’yo.

Masuwerteng numero; 20,22,37,38

TUPA (SHEEP)

Mahihirapan kang iwaksi sa isip mo ang nakaraan lalo pa at nasa paligid mo lang ang mga taong may kinalaman dito. May paraan naman para makalimot , ito ay kung makakaya mo na ikaw na lang ang siyang dumistansya.

Masuwerteng numero; 3,14,16,18

UNGGOY (MONKEY)

Magiging masaya ang bonding ng buong pamilya. Ngayon mo lang marerealize ang tunay na saya na pamilya ang kasama at hindi ang mga kaibigan na hindi mo matiyak kung sino ang totoo sa’yo at hindi. Kapanatagan ngayon ang iyong mararamdaman.

Masuwerteng numero; 40,46,51,59

TANDANG (ROOSTER)

Isang tao ang iiwas sa’yo ngayong araw kahit pa ikaw ang kusang lumapit sa kanya. Ito ay may kinalaman sa mga utang na hindi pa niya nababayaran sa’yo. Hayaan lang siya at huwag nang bigyan pa ng alalahanin dahil siya rin ang magdadala ng stress.

Masuwerteng numero; 44,60,68,71

ASO (DOG)

Makukuha mo ngayon ang resulta ng isang test na pinakahihintay mo. Wala kang dapat ipag-alala dahil hindi ito magiging sagabal sa iyong mga plano. Mangyayari pa rin kung ano nag itinkada ng Diyos para sa’yo.

Masuwerteng numero; 7,17,27,37

BABOY (PIG)

Magiging makulay at buhay na buhay ang araw na ito para sa’yo dahil sa isang tao. Hindi mo inaasahan ang saya na idudulot niya sa’yo. Kaya naman ang buong maghapon ay magaan. Babaunin mo ang iyong mga ngiti hanggang sa pagtulog.

Masuwerteng numero; 5,15,26,35

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.