28.6 C
Manila
Thursday, June 20, 2024

Chinese Horoscope Nobyembre 10, 2023

DAGA (RAT)

Maiirita ka ng todo sa mga mababasa mo sa social media. Mas makakabuti kung hindi ka na lang muna gagamit nito kaysa naman masira ang buong araw mo. May pagkakataon kang sumaya bago matapos ang maghapon.

Masuwerteng numero; 14,20,25,26

BAKA (OX)

Hindi ka magdadalawang isip na tulungan ang isang kaibigan na nangangailangan subalit magiging dahilan naman ito ng hindi nyo pagkakaunawaan ng iyong mahal dahil kayo man ay nangangailangan din ng tulong pero uunahin mo pa ang iba.

Masuwerteng numero; 1,2,13,15

TIGRE (TIGER)

Kahit pa wala tayong masamang intensyon kung minsan ay nakakasakit tayo ng ating kapwa nang hindi natin nalalaman. Sa pagkakataong ito ay wala kang ibang dapat  na gawin kundi ang humingi ng paumanhin.

Masuwerteng numero; 36,43,47,50

KUNEHO (RABBIT)

Positibo at maaliwalas ang paligid kaya naman wala kang dahilan para makaramdam ng lungkot ngayong araw na ito. Iwasan mong ikaw ang maging sanhi ng negatibong pwersa sa paligid upang hindi pumangit ang araw mo.

Masuwerteng numero; 22,23,40,48

DRAGON (DRAGON)

Mag-ingat sa mga online shop. Malaki ang posibilidad na maloko ka rito. Maaari kang makumbinsi sa ganda ng mga items na makikita mo sa internet subalit hindi ang ineexpect mo ang siyang makukuha mo mula rito.

Masuwerteng numero; 11,14,30,39

AHAS (SNAKE)

Huwag magpadalos dalos ng pagdedesisyon. Kung galit ka ngayon ay pahupain mo muna ang iyong galit dahil sa oras na ikaw ay makapagbitaw na ng pagpapasya ay mahihirapan ka nang baguhin ito sa oras na ikaw ay mahinahon na.

Masuwerteng numero; 23,34,41,54

KABAYO (HORSE)

Maging maingat sa iyong mga kinakain. Maaaring masira ang iyong tiyan sa isang pagkaing matitikman mo ngayong araw. Mas makakabuti kung ikaw mismo ang magluluto ng pagkain mo para sa araw na ito upang makaiwas sa peligro.

Masuwerteng numero; 4,5,16,34

TUPA (SHEEP)

Wala kang magagawa para sa araw ng iba. Basta’t ang araw mo ngayon ay magiging masaya dahil mapapalibutan ka ng mga masayahing tao. Ang mga taong tulad nila ang dapat na lagi mong makasama upang mahawa ka.

Masuwerteng numero; 25,50,55,67

UNGGOY (MONKEY)

Magkahalong positibo at negatibo ang araw mo ngayon. Labis kang masisiyahan sa umaga dahil sa magandang balita na iyong matatanggap. Subalit bago matapos ang araw ay hahabulin ka naman ng negatibong balita.

Masuwerteng numero; 10,18,19,32

TANDANG (ROOSTER)

Kakailanganin mong magdesisyon sa pagitan ng trabaho at ng iyong pamilya. Mahihirapan ka subalit wala kang mapagpipilian kundi gawin na ito ngayon bago pa man lumala ang problema na may kinalaman dito.

Masuwerteng numero; 45,46,56,66

ASO (DOG)

Kusang lalapit ang magagandang oportunidad sa iyong kabiyak. Huwag mo siyang pigilan sa pag-improve ng kanyang career, sa halip na kumontra ay ibigay mo sa kanya ang buo mong suporta upang mas higit niyang maramdaman ang pagmamahal mo.

Masuwerteng numero; 5,13,34,40

BABOY (PIG)

Patuloy na lalawak ang hindi nyo pagkakaunawaan ng iyong kinakasama dahil sa iyong mga pagdududa. Kung sa tingin mo ay wala ng pag-asa, pakawalan mo na siya at palayain mula sa hawlang ikaw din ang gumawa para sa kanya.

Masuwerteng numero; 58,61,75,79

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.