32.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Chinese Horoscope Marso 6, 2024

DAGA (RAT)

Magiging emosyonal ka sa oras na makita mo ang tao na nanakit sa’yo dati. Siya ang dahilan kung bakit mo naranasan ang sobrang sakit sa kalooban.Kaya naman hangga’t maaari ay ayaw mo nang makita pa siya.

Masuwerteng numero; 14,15,20,23

BAKA (OX)

Kung inaakala mo na nakalaya ka na sa kanya, nagkakamali ka. Ngayong araw ay mapapatunayan mo na siya pa rin at wala ng iba ang itinitibok ng puso mo. Pero masasaktan ka pa rin dahil alam mong hindi mo na maibabalik ang dati.

Masuwerteng numero; 27,30,33,38

TIGRE (TIGER)

Masaya ang bawat oras na lilipas sa trabaho. Ang mabibigat na gawain ay magiging magaan dahil sa pagtutulungan nyo sa inyong grupo. Dahil dito ay may mga bagong proyekto kayong matatanggap mula sa nakatataas.

Masuwerteng numero; 21,22,30,40

KUNEHO (RABBIT)

Makakaranas ka ng pagkalito sa isang mahalagang bagay na ipapaunawa sa’yo ng mga nakakatanda sa pamilya. Gayunpaman ay wala kang balak na painitin pa ang kanilang mga ulo kaya naman ilulugar mo na lang ang sarili mo sa alam mong tama.

Masuwerteng numero; 8,9,10,12

DRAGON (DRAGON)

Isang diskusyon ang magaganap sa pagitan nyo ng isang kaibigan. Isa lamang itong simpleng pagkukuwentuhan na mauuwi sa pikunan at pagtatalo. Matapos nito ay magpapasya kang dumistansya muna.

Masuwerteng numero; 18,23,25,34

AHAS (SNAKE)

Wala kang magagawa kung hindi ka gusto ng isang tao. Gayunpaman, hindi lang naman siya ang source ng iyong happiness kaya naman magpapatuloy ang iyong buhay at pagiging masayahing tao sa kabila ng iyong matutuklasan.

Masuwerteng numero; 51,56,66,69

KABAYO (HORSE)

Kahit na anong iwas mo ay patuloy ka pa ring lalapitan ng tao na pinakaayaw mong makita. Siya ang huling tao na gugustuhin mong makasama. May mabigat kang dahilan kaya ganoon na lang ang damdamin mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 45,46,50,52

TUPA (SHEEP)

Hindi ka mabibigo sa ninanais mong mangyari ngayong araw na ito. Kahit hindi ka na umaasa ay magugulat ka na lang dahil aayunan ka ngayon ng tadhana. Kaya naman enjoyin mo lang ang araw at magpasalamat.

Masuwerteng numero; 7,9,10,11

UNGGOY (MONKEY)

May bago kang makikilala na magbibigay sa’yo ng isang malaking oportunidad. Hinding hindi mo ito pakakawalan dahil bahagi ito ng dati mo  ng panagarap. Siya rin ang tao na muling magpapangiti sa’yo sa bawat araw.

Masuwerteng numero; 43,45,48,49

TANDANG (ROOSTER)

Kahit na anong sipag ang gawin mo ay hindi pa rin sasapat ang oras mo sa trabaho para matapos ang lahat ng gusto mong tapusin. Huwag pwersahin ang sariling isip at katawan kung ayaw mo na magkaroon ng sakit.

Masuwerteng numero; 10,13,20,23

ASO (DOG)

Magkakaroon ka ng pagkakataon na makausap ang isang kaibigan na dati mong nakaalitan. Wala kang ideya sa kung ano ang iniisip niya sa’yo ngayon, ang mahalaga ay napatawad mo na siya at nakuha mo na ang kapayapaan.

Masuwerteng numero; 32,38,50,51

BABOY (PIG)

Makakaranas ka ngayon ng stress sa iyong negosyo dahil sa ilang pagkakamali na iyong magagawa. May kinalaman sa pera ang kakaharapin mong problema at walang ibang makakatulong sa’yo kundi ang tao na itinutulak mo palayo.

Masuwerteng numero; 11,13,14,20

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.