26.5 C
Manila
Thursday, February 29, 2024

Chinese Horoscope Disyembre 8, 2023

DAGA (RAT)

Magiging masaya ka sa araw na ito dahil sa isang celebration na dadaluhan. Mag-ingat lamang sa mga pagkain na kakainin dahil maaaring sumakit ang tiyan kung masosobrahan. Marami ring makakakuwentuhan.

Masuwerteng numero; 28,33,43,46

BAKA (OX)

Isang mahalagang bagay ang mawawala sa’yo ngayong araw pero hindi mo agad ito mapapansin. Lilipas ang buong maghapon na hindi mo ito alintana hanggang sa kailanganin mo na sa gabi. Saka ka lamang mababahala.

Masuwerteng numero; 11,14,22,45

TIGRE (TIGER)

Dahil hindi makapagpapasya ang iyong kapareha para sa isang sitwasyon na kailangan niyang pagpasyahan ay ikaw na ang siyang bubuo ng desisyon. Kailangan niya itong sang-ayunan sa ayaw at sa gusto niya.

Masuwerteng numero; 35,48,59,66

KUNEHO (RABBIT)

Iwasan ang makipagtalo sa isang kaibigan dahil lamang sa magkaibang pinaniniwalaan sa pulitika. Ang pagtatalong ito ay maaaring humantong sa malalim na hidwaan sa mga susunod na araw kung hindi agad reremedyuhan.

Masuwerteng numero; 14,15,21,27

DRAGON (DRAGON)

Ilang libong beses mo nang pinag-isipan pero hanggang ngayon ay hindi mo pa ginagawa ang dapat mong gawin. Ito na ang tamang oras para palayain mo siya. Hindi siya ang tao na inilaan ng Diyos para sa’yo.

Masuwerteng numero;32,41,50,52

AHAS (SNAKE)

Isang kaibigan sa high school ang nakatakdang mawala sa araw na ito. Bagamat wala na kayong komunikasyon sa ngayon ay naging mabuti siya sa’yo at meron kayong pinagsamahan kaya naman ikakalungkot mo ang balitang ito.

Masuwerteng numero; 8,10,18,20

KABAYO (HORSE)

Walang masama kung susubok ka ng bagong negosyo. Kailangan mo lang maging maingat sa pagpili nito at gayundin sa mga tao na pagkakatiwalaan mo rito. Dapat mo rin munang pag-aralan anuman ang negosyong mapagpapasyahan.

Masuwerteng numero; 13,34,40,54

TUPA (SHEEP)

Ang pag-eehersisyo na matagal mo nang binabalak gawin ay matutuloy na rin ngayon sa wakas dahil sa pamimilit ng isang kamag-anak at kaibigan. Dahil dito ay makakaramdam ka ng kaginhawahan ng katawan kaya babalakin mo itong ulit-ulitin.

Masuwerteng numero; 1,2,5,7

UNGGOY (MONKEY)

Magiging masaya ang araw na ito sa pagpunta mo sa isang event. Dito ay nakatakda mong makilala ang isang tao na may malaking maitutulong sa kabuhayan nyo dahil isang magandang oportunidad ang maibibigay niya sa’yo.

Masuwerteng numero; 34,36,42,63

TANDANG (ROOSTER)

Magiging maaliwalas ang araw na ito para sa’yo at sa iyong pamilya. Kahit hindi matuloy ang plano ninyong paglabas ng bahay para mamasyal ay magiging masayan naman ang pagba-bonding nyo sa loob ng inyong tahanan.

Masuwerteng numero; 54,65,78,79

ASO (DOG)

Malilito ka sa damdamin na ipapakita sa’yo ng isang katrabaho. Sa umpisa ay magiging magiliw siya sa’yo na para bang ayaw ka niyang mawala sa paningin niya. Subalit bago matapos ang araw ay mararamdaman mo na iniiwasan ka niya.

Masuwerteng numero; 26,29,31,32

BABOY (PIG)

Iwasan ang magparinig sa tao na kinaiinisan hangga’t maaari. Hindi lahat ay masasakyan ang trip mo kaya naman ang iyong kaaway ay madadagdagan. Isang tao ang magtatanggol sa iyong pinariringgan at hindi mo ito inaasahan.

Masuwerteng numero; 62,66,71,83

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.