27.9 C
Manila
Wednesday, February 28, 2024

Chinese Horoscope Disyembre 30, 2023

DAGA (RAT)

Marami kang makabuluhang bagay na magagawa.Kahit pa may ilang tao ang pilit kang ida-down ay hindi ka magpapatinag. Alam mo kung ano at sino lang ang dapat mong pakinggan kaya ituloy tuloy mo lang ang mga plano mo.

Masuwerteng numero; 15,26,27,30

BAKA (OX)

Sa pagkakataong ito ay hindi ka mabibigo sa nais mong gawin. May malalapit na kaibigan kang nakahandang sumoporta sa mga adhikain mo dahil alam nila na maganda ang iyong layunin. Panatilihin lang ang pagiging positibo.

Masuwerteng numero; 1,4,6,11

TIGRE (TIGER)

Hindi biro ang pinagdaanan mo at ng iyong pamilya’t mga kaanak sa katatapos lang na kalamidad. Pero mananatili kang matatag. Sa iyo sila kukuha ng lakas kaya sisikapin mong bumangon at magsimula ulit para sa kanila.

Masuwerteng numero; 24,26,32,33

KUNEHO (RABBIT)

Makakaramdam ka ng stress sa iyong buhay pag-ibig dahil pansamantalang mapuputol ang inyong komunikasyon dahil sa nagdaang bagyo. Maghahalo sa damdamin mo ang pag-aalala at pagdududa sa kanya.

Masuwerteng numero; 4,5,10,13

DRAGON (DRAGON)

Maayos ang magiging takbo ng iyong negosyo sa tulong ng isang tao. Kaya dapat lang na alisin mo ang pagdududa sa kanya. Mas makakabuti kung tutulungan mo na lang siya sa pag-iisip pa ng paraan para lumago pa ang inyong business.

Masuwerteng numero; 54,58,60,61

AHAS (SNAKE)

Aanihin mo ngayon ang bunga ng iyong pinaghirapan nitong mga nakaraang buwan. Ngayon mo marerealize na walang pagod ang nasasayang lang. Kapag may tiyaga meron talagang nilaga na sa’yo ay nakalaan.

Masuwerteng numero;  20,26,32,35

KABAYO (HORSE)

Isang award ang matatanggap mo mula sa trabaho. Pero hindi mo alam kung ikakatuwa mo ito o ikakalungkot dahil ang tao na gusto mong pag-alayan nito ay wala na sa iyong tabi at hindi na niya ito malalaman pa.

Masuwerteng numero; 46,48,50,60

TUPA (SHEEP)

Babalik sa buhay mo ang iyong ex. Kaya magkakaroon ka ng pagkalito kung siya ba o ang kasalukuyan mong relasyon ang pipiliin mo. Hindi mo kasi maitatanggi sa sarili na meron ka pang damdamin para sa kanya.

Masuwerteng numero; 35,36,41,42

UNGGOY (MONKEY)

Maiipit ka sa kaliwa’t kanang trabaho kaya naman ang oras na dapat nagsasaya ka ay hindi mo magagawa dahil palagi mong prayoridad ang iyong trabaho kaysa sa anupamang pagtitipon at kasiyahan.

Masuwerteng numero; 22,25,27,29

TANDANG (ROOSTER)

Hindi pa tapos ang gastusan pero wala ka nang madudukot sa iyong bulsa dahil lagi kang nagpapakasagad sa paggastos. Dapat mo ring isaalang-alang ang bawat bukas upang hindi mangapa pagdating ng oras.

Masuwerteng numero; 19,20,23,26

ASO (DOG)

May matutuklasan kang paraan para higit na suwertehin sa iyong negosyo. Pero huwag mo muna itong sabihin kahit na kanino dahil baka sa huli ay ikaw ang maiwang nakatunganga habang tinatamasa ng iba ang iyong ideya.

Masuwerteng numero; 5,12,14,15

BABOY (PIG)

Makakasalamuha ka ng isang tao na mapagsamantala. Kung ayaw mo na maisahan ka niya ay matutong makinig sa payo ng nakakatanda. Para ito sa iyong ikabubuti. Sila ang tunay na nagmamalasakit sa’yo kaysa ibang tao.

Masuwerteng numero;16,17,20,22

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.