30.5 C
Manila
Friday, February 23, 2024

Online Horoscope Disyembre 30, 2023

ARIES  (Marso 21 – April 19) Kunin mo ang mga suwerteng idinaan ng langit sa pamamagitan ng mga regalo na natanggap mo nitong nakaraang pasko. Mamili ka sa isa sa mga natanggap mong bagay na kulay red. Ito ang suutin mo habang lumilisan ang Lumang Taon ay pumapasok ang Batong Taon. Sa ganyang paraan, ang suwerte ng buong taong 2024. ay mapapasa iyo. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  5, 14, 17, 34, 37, 44.    

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Kumapit ka sa malinis mong hangarin sa pagpasok ng 2024 upang hindi ka pabayaan ng langit.  Ang lahat ng suliranin mo noong nakaraang taon ay isa-isa ng mapaparam kasabay ng paglisan ng Lumang Taon, upang sa Bagong Taong darating mas marami pang suwerte at magagandang sopresa ng buhay ang sa iyo ay darating. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 1, 16, 22,  31, 40, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Nakatutuwa ang mga pangyayari sa buhay mo dahil ang mga taong hindi mo inaasahan ay iyong makakasama at makakatulong sa iyo sa buong taong ito ng 2024. Mapalad ang kulay na gold.  Masuwerteng numero 7, 22, 16, 25, 29, 40.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hindi pa tumutigil ang pagbuhos ng suwerte mo hanggang 2024, basta’t ang kundisyon ipagpatuloy mo ang pagtulong sa iyong kapwa at ang pag-alalay sa mga taong kapos-palad at walang-wala. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 3, 15, 24, 36, 39, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Tulad ng paro-parong gala na lilipad-lipad darapo sa iyo ngayon ang hindi maipaliwanag na suwerte. Ito ay pahiwatig lamang na ang buong taong 2024 ay magiging maunlad sa iyo at magiging maligaya, hindi lamang sa iyo kundi sa buo mong pamilya. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  1, 19, 25, 34, 40, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Pansinin mo ngayon ang iyong buhay, di ba ang mga kalungkutan mo at mga kabiguan ay panandalian lamang? Dahil ang totoo, ang pangalan mo ay  nakalista sa mga taong likas na mapapalad at minsan pa muli mo itong mapapatunayan, dahil sa buong taong ito ng 2024, sunod-sunod na buenas ang iyong makakamit. Oo, isa-isa ng magdaratingan ang suwerte at magagandang mong kapalaran noon mo pa hinihintay. Mapalad ang kulay na pink.  Masuwerteng numero 1, 19, 25, 37, 40, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Kung ano ang kagustuhan mo ‘yon mismo ang susundin ng mga taong nasa paligid mo. Kaya anuman ang gustuhin mo sa 2024, ipagkakaloob ito ng mga taong nasa paligid mo. Kapag hindi nila ito tinupad, ang langit na mismo ang kikilos upang magkatotoo ang lahat ng gusto mo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  3,  15,  27, 33, 36, 44.   

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Garantisado ang iyong pagyaman. Dahil kamangha-mangha ang pagtutok mo sa isang gawain o proyetong ginagampanan mo ngayon. Basta’t patuloy kang tumutok sa gawaing iyan at mag-ipon, makikita mo sa pagpasok na taong 2024, madodobleng bigla ang savings mo. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 2, 10, 25, 37, 41, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Kahit na maraming lihim na naiingit sa iyo at lihim kang kinukumpetensya, walang makadadaig sa iyo. Dahil sa buong taong 2024, inihanda na ng langit ang iyong magiging kapalaran. Mamalagi kang masuwerte at magtatamo ng mas matataas na pagkila at karangalan. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 18, 28, 36, 42, 44.    

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Ang mga taong malalapit sa iyo at mga natulungan mo ang mananalangin upang lalo pang pagandahin ang iyong kapalaran sa buong taong 2024. At dahil marami silang natulungan mo at nagmamahal sa iyo, matutupad ang kanilang mga panalangin para sa iyo. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 5, 14, 25, 28, 31, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Basta’t hindi ka nagpadaig sa mga negatibong pananaw, at patuloy kang nangangarap, makaaasa ka na ang langit ay gagawa ng paraan upang isa-isang makuha mo ang mga gusto mo sa buhay sa buong taong ito ng 2024. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 9, 15, 27, 37, 34, 40.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Sa taong ito ng 2024 habang nag-iisa ka, dadampi sa mga pisngi mo ang init pero malamig ding simoy ng hangin. Ito ang bati at halik sa iyo ng kapalaran na nagsasabing sa buong taong 2024 mas maraming suwerte at magaganda kapalarang kang matatanggap. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  6, 12, 24, 27, 38, 42.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.