25.4 C
Manila
Monday, February 26, 2024

Chinese Horoscope Disyembre 14, 2023

DAGA (RAT)

Sa araw na ito ay pipilitin mong makabawi sa iyong kapareha. Alam mo kung ano ang mga nagawa mong pagkukulang sa kanya. Kaya naman hindi mo palalampasin ang araw na ito na hindi ka nakakabawi sa kanya.

Masuwerteng numero; 24,25,33,37

BAKA (OX)

Mag-ingat sa mga kinakatagpong tao dahil sa iyong online business. Hindi lahat ay katulad ng mga nauna na wala kang naging problema. Malaki ang posibilidad na ngayon ay makatagpo ng hindi maayos makipag-usap.

Masuwerteng numero; 11,20,21,26

TIGRE (TIGER)

Iiwasan mo ngayon ang isang mangungutang dahil sa hindi maganda niyang record sa’yo. Pero matapos mo itong gawin ay makakaramdam ka rin ng guilt dahil likas sa’yo ang pagiging maawain kahit pa naagrabyado ka na.

Masuwerteng numero; 30,34,47,59

KUNEHO (RABBIT)

Isang maliit na pagkakamali lang ang magagawa mo pero hindi mo aakalain na malaki ang magiging epekto nito sa isang miyembro ng inyong pamilya. Kailangan mong humingi ng patawad sa ayaw mo man at sa gusto.

Masuwerteng numero; 32,34,40,53

DRAGON (DRAGON)

Isa sa mga plano mo ang magkakaroon ng katuparan sa araw na ito. May kinalaman ito sa iyong trabaho at labis itong ikatutuwa ng mga kasamahan mong mas mababa ang posisyon kaysa sa’yo. Makakaramdam ka ng proud sa sarili.

Masuwerteng numero; 10,12,23,25

AHAS (SNAKE)

Ingatan ang iyong lalamunan. Maaaring makaramdam ng pananakit nito. Dapat mong pangalagaan ang iyong lalamunan dahil ang simpleng pananakit na akala mo wala lang ay maaaring mauwi sa mas malalang karamdaman.

Masuwerteng numero; 4,7,9,15

KABAYO (HORSE)

Hindi ito magandang araw para sa’yo. Labis kang makakaramdam ng kalungkutan at boredom. Susubukan mong mag-aya ng mga kaibigan para lumabas pero walang isa man sa kanila ang magiging available ngayon.

Masuwerteng numero; 47,54,65,66

TUPA (SHEEP)

Magiging abala ka sa trabaho  sa araw na ito kaya naman hindi mo gaanong mararamdaman ang stress na mula sa bahay. Ang buong maghapon mo ay mauubos sa sa kaabalahan mo kaya marami kang matatapos.

Masuwerteng numero; 63,75,78,81

UNGGOY (MONKEY)

Sa araw na ito ay makakaramdam ka ng kagaangan sa isip dahil isang malaking proyekto ang matatapos mo. Susumpungin ka kasi ng kasipagan kaya ang dapat na dalawang linggong palugit ay mayayari mo na sa loob lamang ng dalawang araw.

Masuwerteng numero; 41,42,55,60

TANDANG (ROOSTER)

Magiging epektibo ang diskarte mo sa iyong mahal. Dahil dito ay lalo ka niyang mamahalin. Kaya naman ang mga selos at pagdududa mo ay dapat mo na munang isantabi at i-appreciate ang effort din niya para sa’yo.

Masuwerteng numero; 32,33,45,49

ASO (DOG)

Makakasama mo ngayon ang isang tao na nagtataglay ng likas na suwerte sa katauhan. Dahil sa pagtatagpo ng inyong landas ay mahahawahan ka niya ng kanyang suwerte kaya dapat mo itong tanggapin ng buong puso.

Masuwerteng numero; 39,58,69,70

BABOY (PIG)

Magiging maaliwalas ang araw na ito para sa’yo dahil sa iyong panaginip. Ang maganda mong panaginip ang siyang magiging dahilan ng maganda mong gising kaya ang buong araw mo ay madadamay sa iyong good vibes.

Masuwerteng numero; 1,6,21,29,

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.