24.8 C
Manila
Friday, March 1, 2024

Chinese Horoscope Disyembre 12, 2023

DAGA (RAT)

Isang hindi inaasahang pangyayari ang magaganap sa’yong buhay sa araw na ito. Sa una ay hindi mo ito ikatutuwa subalit bago matapos ang araw ay marerealize mo rin na malaki ang maitutulong nito sa’yo sa hinaharap.

Masuwerteng numero; 24,26,42,48

BAKA (OX)

Alam mo na kung ano ang makakabuti para sa iyong anak kaya gawin mo na ang matagal mo ng plano. Huwag mo nang hintayin na pigilan ka pa niya dahil hindi iyon mangyayari. Magdesisyon ka na hangga’t pumapabor pa sa’yo ang tadhana.

Masuwerteng numero; 13,15,25,30

TIGRE (TIGER)

Iwasang maglakbay sa mga tawid dagat sa araw na ito. Kung hindi ka magpapapigil ay kailangan mong magdoble ingat dahil malapit ka  ngayon sa disgrasya. Magdasal at maging alerto lagi sa paligid upang maging ligtas.

Masuwerteng numero; 39,54,56,61

KUNEHO (RABBIT)

Sa kabila ng iyong pagiging negatibo sa araw na ito ay papabor pa rin sa’yo ang tadhana. Iyo ang araw na ito kaya samantalahin ang pagkakataon sa oportunidad na darating. Dapat kang maging positibo dahil dito.

Masuwerteng numero; 11,17,22,25

DRAGON (DRAGON)

Kahit na bwisit na bwisit ka na sa isang tao ay magagawa mo pa rin siyang ngitian. Hindi ito kaplastikan kundi gusto mo lang na maging propesyunal dahil nakakataas siya sa’yo sa trabaho kaya ibibigay mo pa rin ang respeto.

Masuwerteng numero; 50,63,77,80

AHAS (SNAKE)

Dahil sa pagmamadali mong makapunta sa isang selebrasyon ay makakaligtaan mo ang isang bagay na importanteng madala mo roon. Kaya sa halip na mapaaga ka ay babalikan mo pa ito at wala kang magagawa kung ikaw man ay mahuli.

Masuwerteng numero; 17,27,35,40

KABAYO (HORSE)

Maging maingat sa mga kinakain. Maari kang ma-food poison sa isang handaan kaya piliin lang ang kakainin. Huwag tumikhim ng pagkaing hindi pamilyar sa’yo at sa iyong panlasa upang makaiwas sa disgrasya.

Masuwerteng numero; 1,2,6,8

TUPA (SHEEP)

Magagamit mo ngayon ang iyong talino upang makalusot sa isang alanganing sitwasyon. Dahil dito ay magkakaroon ka ng bagong kaibigan. Kaya ang araw na ito ay negatibo at positibo para sa’yo at hindi mo ito makakalimutan.

Masuwerteng numero; 5,14,32,33

UNGGOY (MONKEY)

Kailangan mong ilista ang mga dapat mo lang bilhin bago pumunta sa pamilihan. Kung hindi mo ito gagawin ay iiral na naman sa’yo ang paggasta ng wala sa lugar at wala sa budget. Ito ang dapat mong iwasan.

Masuwerteng numero; 4,10,19,20

TANDANG (ROOSTER)

Ito ang araw na dapat kang maging mahinahon dahil malalagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo magugustuhan. Gayunpaman, mananatili sa tabi mo ang taong pinagkakatiwalaan mo kaya dapat kang kumalma.

Masuwerteng numero; 24,36,41,51

ASO (DOG)

Ang problemang ilang araw nang nagpapasakit ng iyong ulo ay mawawakasan na rin ngayon. Magkakaroon ka na rin ng kapanatagan sa wakas at makakahinga ka na ng maluwag. Dapat mo itong ipagpasalamat sa Diyos.

Masuwerteng numero; 25,28,39,45

BABOY (PIG)

Lilikha ng ingay ang galing na ipapamalas mo sa larangang napili mo. Dahil dito ay maraming oportunidad ang magbubukas para sa’yo mula sa araw na ito kaya dapat kang maging proud sa sarili mo at sa iyong talento.

Masuwerteng numero; 21,29,30,31

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.