26 C
Manila
Sunday, June 16, 2024

Chinese Horoscope Agosto 31, 2023

DAGA (RAT)

Ngayong araw ay may darating kang bisita na maghahatid sa’yo ng magandang balita. May kinalaman ito sa posisyong nais mong makuha sa trabaho kaya naman ikatutuwa mo ang magiging takbo ng inyong usapan.

Masuwerteng numero; 16,20,22,24

BAKA (OX)

Huwag mawalan ng pag-asa kung hindi pa man kumakatok ang suwerte sa inyong tahanan. Mas makakabuti kung tatanggapin ang maliliit na oportunidad na darating dahil ito ay magbibigay din ng magandang kapalaran.

Masuwerteng numero; 5,11,13,14

TIGRE (TIGER)

Masusubok ang pasensya mo ngayon sa isang nakababatang miyembro ng pamilya. Hindi ka palapatol sa mas nakakabata sa’yo pero masasagad ang iyong pasensya at mahihirapan kang kontrolin ang iyong sarili.

Masuwerteng numero; 56,57,60,65

KUNEHO (RABBIT)

Magiging maganda ang araw na ito para sa’yo at sa iyong pamilya dahil may makikilala kayong maaari ninyong maging katuwang sa negosyo. Ikaw ang siyang magsisilbing representative ng inyong pamilya para maisara ang deal.

Masuwerteng numero; 30,32,33,38

DRAGON (DRAGON)

Wala kang magagawa sa magiging desisyon ng iyong boss tungkol sa pagbabawas ng mga tao sa inyong trabaho. Bagamat hindi ka makakasama sa mawawalan ng trabaho ay ikakalungkot mo pa rin ito para sa iba lalo na sa iyong mga kaibigan na makakasama rito.

Masuwerteng numero; 4,8,9,19

AHAS (SNAKE)

Ang plano mong pag-uwi sa probinsya ay hindi mo pa maitutuloy sa araw na ito kung kailan mo sana gusto. May mga hadlang pa sa iyong pag-alis at meron ka pa ring mga problemang kailangang ayusin na hindi mo pwedeng iwanan.

Masuwerteng numero; 1,2,12,21

KABAYO (HORSE)

Mauubos ang ipon mo ngayong araw dahil sa dami ng kailangan mong pagkagastusan na hindi pwedeng ipagpabukas. Gayunpaman, may hinihintay ka namang kapalit ng mga ito kaya hindi ka masyadong mag-aalala.

Masuwerteng numero; 40,43,45,58

TUPA (SHEEP)

Mapapaisip ka sa mga malalaman mo tungkol sa iyong kaibigan at isang malapit na kamag-anak. Wala kang alam sa kanilang hidwaan kaya hindi mo napapansin noong una ang hindi nila pagkikibuan at ito ang matutuklasan mo ngayon.

Masuwerteng numero; 4,6,16,20

UNGGOY (MONKEY)

Marami kang pagkakaabalahan ngayong araw. Bukod sa tambak na gawaing bahay na hindi pwedeng ipagpabukas ay tambak din ang mga paperworks na kailangan mong tapusin sa lalong madaling panahon.

Masuwerteng numero; 13,17,22,25

TANDANG (ROOSTER)

Wala kang ibang maaasahan sa ngayon kundi ang iyong sarili. Ang mga tao na inaasahan mong makakatulong sa’yo sa problemang kinakaharap mo ngayon ay abala rin sa paglutas ng sarili nilang problema.

Masuwerteng numero; 59,66,67,69

ASO (DOG)

Malaki ang pagbabagong magaganap sa iyong pangangatawan at marami ang makakapansin nito. Kaya ipagpatuloy mo lang ang mga effort mo sa pag-ehersisyo at pagkain ng masustansiya para sa iyong kalusugan.

Masuwerteng numero; 45,50,51,52

BABOY (PIG)

Mas mahal mo ang iyong kapamilya pero sa pagkakataong ito ay mas magiging matimbang sa’yo ang iyong kaibigan dahil alam mo na nasa tama ang kanyang panig. Hindi ikaw ang tipo na mangungunsinti ng kadugo.

Masuwerteng numero; 79,80,83,84

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.