32.4 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Pag-Ibig Horoscope 31 Agosto 2023

ARIES

Ipagpapasalamat mo na nananatili pa rin siya sa tabi mo hanggang ngayon. Sa dami ng kontra sa inyong relasyon ay palagi ka pa rin niyang pipiliin. Kaya dapat mong pahalagahan ang bawat oras na kasama mo siya.

Masuwerteng numero; 40 & 61

TAURUS

May matututunan ka sa araw na ito tungkol sa inyong relasyon. Kaya naman ang plano mong pakikipagbreak sa kanya ay mauunsyami at sa halip ay titibay pa ang pagmamahal at pagtitiwala mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 10 & 13

GEMINI

Mahal mo siya, hindi mo maikakaila ‘yon. Subalit hindi mo maiwasan na paminsan minsan ay pagdudahan siya pagdating sa pera. Ayaw mong isipin na kinukupitan ka niya pero siya ang ituturo ng mga ebidensya.

Masuwerteng numero; 26 & 36

CANCER

Magigising ka na lang sa umagang ito na iba na ang laman ng puso mo. Pero ayaw mong kunsintihin ang sarili kaya naman gagawin mo ang lahat ng pag-iwas sa tukso upang makaiwas ka rin sa kumplikadong sitwasyon.

Masuwerteng numero; 11 & 17

LEO

Ang malaking paghanga mo sa isang tao na malapit sa iyong kaibigan ay mauuwi sa pagkagusto. Hindi mo pa sigurado kung ito ay mauuwi sa pagmamahal pero kung ikaw ang papipiliin ay ayaw mong mangyari ito.

Masuwerteng numero; 42 & 48

VIRGO

Handa ka niyang ipaglaban kaninuman kahit ano pa ang mangyari. Matagal mo ng alam ‘yan. Ang problema ay hindi kasinglalim ng pagmamahal niya ang pagmamahal mo sa kanya at mararamdaman niya ito ngayon.

Masuwerteng numero; 21 & 30

LIBRA

Mananatili kang sunud sunuran sa kanya. Kahit nahihirapan ka na ay magiging pakonsuwelo mo na lang ang kabutihan sa’yo ng iyong mga in-laws. Sila ang palaging handang magpuno sa kakulangan ng iyong asawa.

Masuwerteng numero; 6 & 9

SCORPIO

Kapag may tiyaga, may nilaga. Iyan ang kasabihang pinanghahawakan mo sa patuloy mong panunuyo sa kanya. Wala kang pakialam sa sasabihin ng iba basta ang mahalaga sa’yo ay maipakita mo ang pagmamahal mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 4 & 8

SAGITTARIUS

Magsaya ka na dahil matapos mong makalaya sa kabiguan sa pag-ibig ay pag-ibig din ang siyang magbibigay sa’yo ng bagong saya. Mabilis mo lang makakalimutan ang pait ng kahapon dahil sa bagong makikilala.

Masuwerteng numero; 15 & 29

CAPRICORN

Mabilis kang mahulog sa isang tao. Kaya mag-ingat sa mga ngiting laging sisilay sa kanyang labi. Huwag mong i-assume na ikaw ang dahilan ng mga ngiting ito dahil baka ikaw din ang masaktan sa huli lalo’t hindi mo pa siya lubos na kilala.

Masuwerteng numero; 35 & 50

AQUARIUS

Matagal na ang nakalipas mula nang huli mo siyang makita. Kaya akala mo ay nalimutan na ng puso mo ang pagmamahal sa kanya. Pero muli mo siyang makikita sa araw na ito at ngayon mo matitiyak na nasa puso mo pa rin siya.

Masuwerteng numero; 27 & 32

PISCES

Simple lang ang magiging bonding nyo sa araw na ito pero para sa inyong dalawa, ang bawat oras na lumilipas ngayong kayo ay magkasama ay napakahalaga. Matututunan ninyong pahalagahan ang inyong pagsasama.

Masuwerteng numero; 52 & 68

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.