29 C
Manila
Monday, May 27, 2024

Chinese Horoscope Abril 29, 2024

DAGA (RAT)

Suwerte ang makakasalubong mo sa daan. Isang magandang oportunidad ang makukuha mo mula sa kanya. Bagamat hindi ito pangmatagalan ay hindi mo maitatanggi na malaking bagay pa rin para sa’yo ang maitutulong nito.

Masuwerteng numero; 5,16,56,59

BAKA (OX)

Maging mahinahon sa mga pagtanggap sa hamon. Ang padalos-dalos na pagdedesisyon ay walang buting maidudulot sa’yo lalo pa at hindi ka naman marunong makinig sa payo ng mga mas nakakatanda sa’yo.

Masuwerteng numero; 18,20,31,45

TIGRE (TIGER)

Pagkatapos ng mahigpit mong schedules nitong mga nakaraang araw ay makakaramdam ka naman ng kaluwagan ngayon sa oras. Magkakaroon ka pa ng time para sa maraming bagay at mga gawaing matagal mo nang gustong gawin.

Masuwerteng numero; 11,19,29,34

KUNEHO (RABBIT)

Hindi sasapat ang naipon mo para mabili ang isang bagay na gustong-gusto mong bilhin para sa sarili mo. Pakonswelo mo ito sa sarili. Pero kailangan mo munang dagdagan pa ang iyong pagsisikap at pagtitiyaga.

Masuwerteng numero; 51,60,77,79

DRAGON (DRAGON)

Ang problemang kakaharapin mo ay magdudulot ng kalungkutan sa’yo. Susubukan mo itong daanin sa pagngiti at ngiti at sa pagkakaroon ng good vibes. Higit kailanman ay ngayon mo kakailanganin ang positibo mong pananaw.

Masuwerteng numero; 20,24,25,30

AHAS (SNAKE)

Sa wakas ay matutuloy na rin ang matagal nyo nang pinlanong outing sa malayo. Bagamat hindi makakasama ang ilan sa inyong magkakaibigan ay magiging masaya pa rin naman ang inyong lakad at pagba-bonding.

Masuwerteng numero; 33,40,41,52

KABAYO (HORSE)

Kakailanganin mo ang magtipid at dapat mo na itong maupisahan sa araw pa lang na ito. Isantabi mo muna ang isipin sa pagbili ng mga bagay na hindi mo pa naman kailangan. Bigyan mo ng prayoridad ang paparating na gastusin.

Masuwerteng numero; 19,23,43,57

TUPA (SHEEP)

Magagawa mo siyang iwasan kung gugustuhin mo. Ang problema ay ayaw ng puso mo kahit pa gustuhin ng utak mo. Masaya ka na makita mo siya at makausap kahit alam mo namang hanggang doon lang ang kaya niyang ibigay sa’yo.

Masuwerteng numero; 21,30,44,46

UNGGOY (MONKEY)

Kung hindi ka man niya pinapansin ngayon ay hayaan mo lang siya. Wala kang dapat ipag-alala. Sa oras na makalayo na siya ay saka niya mararamdaman ang iyong halaga at hindi niya matitiis na hindi ka kontakin.

Masuwerteng numero; 12,69,70,73

TANDANG (ROOSTER)

Alam ng mga taong nakapaligid sa’yo na inlab ka ngayon. Pero hindi mo kailangan ipakita sa kanila ang pagbabago mo dahil lang sa isang tao at sa pagmamahal mo sa kanya. Manatili ka sa kung sino ka para mapatunayan mo ang pagmamahal niya.

Masuwerteng numero; 19,26,27,50

ASO (DOG)

Magkakaroon kayo ng tampuhan ng matalik mong kaibigan. Ito ay dahil makakaramdam siya ng pagseselos sa sobrang atensyon na ibinibigay mo sa isang bagong kaibigan. Hindi niya ito magugustuhan kaya kailangan mo itong ipaliwanag sa kanya.

Masuwerteng numero; 5,7,37,38

BABOY (PIG)

May mga bagay na sadyang mahirap ipaliwanag. Masyado kang mababagabag sa sunud-sunod na pag-oouting ng inyong pamilya. Dapat kang maging masaya pero hindi mo maipapaliwanag ang mararamdaman mo na tila may masamang mangyayari.

Masuwerteng numero; 14,59,66,90

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.