26.7 C
Manila
Sunday, June 16, 2024

Horoscope Pag-Ibig Oktubre 25, 2023

ARIES

Ito na ang tamang pagkakataon na hinihintay mo para makipaghiwalay sa kanya. Hindi ka na dapat magpatumpik tumpik pa dahil ilang beses mo na itong pinag-isipan at hindi pa rin naman siya nagbabago.

Masuwerteng numero; 5 & 7

TAURUS

May malaking pagbabago na magaganap sa relasyon nyo ng iyong kapareha dahil sa pakikialam ng iyong mga in-laws. Kaya naman magkakaroon ka ng pagdadalawang isip kung dapat ka na bang bumitaw o ipaglalaban pa siya.

Masuwerteng numero; 11 & 17

GEMINI

Hindi mo inaasahan na mami-miss mo agad siya. Noong panahon kasi na nasa tabi mo lang siya ay kampante ka at hindi iniisip ang mga bukas na hindi kayo magkakasama. Pero ngayon ay bigla kang mangungulila sa kanya.

Masuwerteng numero; 59 & 68

CANCER

May makikilala kang magpapangiti sa’yo at magpapabilis ng tibok ng puso mo. Pero hindi mo kukunsintihin ang damdaming ito dahil meron ng nagmamahal sa’yo ng tapat at hindi mo siya magagawang ipagpalit.

Masuwerteng numero; 34 & 62

LEO

May magbabalik sa buhay mo. Maguguluhan ka kung dapat mo pa ba siyang muling tanggapin o hindi na. Dapat mong alalahanin ang masaya ninyong pinagsamahan pero hindi rin dapat kalimutan ang dahilan ng inyong paghihiwalay.

Masuwerteng numero; 22 & 39

VIRGO

Ngayon mo lamang aaminin sa sarili mo na mahal mo na nga siya. Pero hindi porke’t umamin ka na sa sarili mo ay aamin ka na rin sa kanya. Hahayaan mo na lang muna na kusa itong mag grow kung para talaga siya sa’yo.

Masuwerteng numero; 11 & 24

LIBRA

Hindi mo na kailangang iwasan ang iyong ex. Siya na mismo ang iiwas sa’yo dahil alam niya na pag-aari ka na ng iba. Wala kang magiging problema sa kanya kahit pa muli kayong magkasama sa isang pagtitipon.

Masuwerteng numero; 7 & 14

SCORPIO

Ang matutuklasan mo tungkol sa kanyang madilim na nakaraan ay hindi magiging hadlang sa inyong dalawa. Sa halip ay mas lalo mo pa siyang mamahalin at hahangaan dahil nalampasan niya ang ganoong klase ng pagsubok.

Masuwerteng numero; 20 & 30

SAGITTARIUS

Habang tumatagal ay lalong mahuhulog ang loob mo sa kanya. Ito ay dahil sa pagiging malambing niya sa’yo sa lahat ng oras at pagkakataon na magkasama kayo. Kaya naman mahihirapan kang kontrolin ang iyong puso.

Mauswerteng numero; 3 & 9

CAPRICORN

Magagawa mo siyang pangitiin sa pamamagitan lamang ng pagkomento mo sa kanyang post. Hindi mo man makita ng personal ang kanyang pagngiti o hindi man siya magreact dito ay siguradong napasiya mo siya.

Masuwerteng numero; 4 & 29

AQUARIUS

Wala kang dapat ipag-alala sa kalagayan ng puso mo sa puso niya. Hindi man siya gaanong nagpaparamdam sa ngayon ay wala pa rin naman siyang ibang iniisip kundi ikaw. Sadyang abala lamang siya sa trabaho.

Masuwerteng numero; 28 & 34

PISCES

Dahil hindi mo magugustuhan ang tao na inirerekomenda sa’yo ng isang kaibigan para maging kabiyak mo ay magdedesisyon ka na lang munang dumistansya kaysa naman ma-offend mo siya o magkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan.

Masuwerteng numero; 33 & 45

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.