ARIES
Hindi sasang ayon ang araw na ito sa inyong pagsasama. Ultimo kaliiit liitang mga bagay ay pagtatalunan ninyong magkarelasyon. Kaya iiwas kanalang muna upang hindi na lumala pa ang problema.
Masuwerteng numero; 44 & 66
TAURUS
Malaki pa ang pag-asa mo na mapansin ka niya. Kahit akala mo ay wala siyang katiting na pagtingin sayo.ngunit ang totoo ay humahanap lamang siya ng tyempo.
Masuwerteng numero; 6 & 9
GEMINI
Hindi mahalaga sa’yo ang sasabihin ng ibang tao. Wala kang pakialam sa sasabihin nila. Ang mahalaga sayo ay ang damdamin at kasayahan ninyong dalawa.
Masuwerteng numero; 14 & 23
CANCER
Kahit pinanghihinaan ka ng loob ngayon dahil vsa sunod sunod na problema. At hindi ka puwedeng panghinaan ng loob. Ikaw ang lakas ng iyong asawa at pamilya.
Masuwerteng numero; 1 & 5
LEO
Mapapalitan nag saya ang nararamdan mong kalungkutan sa araw na ito. Ang tawag niya ang papawi sa lungkot mo.
Masuwerteng numero; 48 & 64
VIRGO
Ang takot at alinlangan ang maghahari sa puso at isipan mo ngayon, malaki ang tiwala mo sa kanya. Ngunit alam mo ding tao lang siya na maaaring matukso lalo at malayo kayo sa isat isa.
Masuwerteng numero; 13 & 15
LIBRA
May mga bagay talaga at pangyayari sa nakaraan ang mahirap kalimutan. Yung hindi basta basta nawawala sa iyong isip. Tulad ng dati mong pag-ibig, Ngunit hindi dahil sa mahal mo siya,kundi dahil sa sakit na dinanas mo sa kanya.
Masuwerteng numero; 50 & 65
SCORPIO
Hindi mawawalan ng saysay ang paghihirap na dinanas mo sa iyong karelasyon. Dahil ang matagal mong paghihirap ay matatapos dahil sa malaking pagbabagong makikita mo sa kanya ngayon.
Masuwerteng numero; 3 & 4
SAGITTARIUS
Mabibigo kang paaminin ang iyong kabiyak sa isang bagay na matagal mo ng pinagdududahan sa kanya. Hindi magtatagumpay ang naisip mong paraan kaya kakailanganin mong mag-isip ng ibang ideya
Masuwerteng numero; 30 & 39
CAPRICORN
Kahit pa anong pilit ng iyong mga kaibigan ay hindi ka nila mapapaamin sa tunay na kalagayan ng iyong lovelife. Para sa’yo, mas pipiliin mo na maging pribado ang inyong relasyon para pareho kayong may katahimikan.
Masuwerteng numero; 8 & 19
AQUARIUS
Hindi ka mahihirapan na pakisamahan ang iyong mga in-laws mababait sila at maunawain,. Dahil dito ay makakamit mo ang kapanatagan, lalo na ang iyong asawa na malaki ang tiwala sa’yo.
Masuwerteng numero; 10 & 15
PISCES
Tulad ng dati ay ikaw pa rin ang magsasakripisyo sa araw na ito para sa ikakabuti ng inyong pagsasama.At tulad pa rin ng dati ay wala silang maririnig na reklamo sa’yo o anupaman. Mananatiling tikom ang iyong bibig.
Masuwerteng numero; 26 & 28