32.4 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Horoscope Pag-Ibig Oktubre 21, 2023

ARIES Kahit anong gawin mong paraan upang maglibang, hindi pa rin mawawala ang sakit dahil sa pagkabigo mo sa pag-ibig. Patuloy mong iniisip ang kanya at iniisip ang iyong sariling pagkukulang at saan ka nagkamali. Masuwerteng numero: 7 & 12

TAURUS Kayang-kaya mong harapin ang lahat ng mga problemang dumadating, gaano man ito kahirap, basta’t kasama mo ang taong nagbibigay inspirasyon sa iyo. Sa palagay mo, walang problemang hindi mo kayang malampasan kapag kasama mo siya. Masuwerteng numero: 23 & 32

GEMINI May marami ka pa ring dapat malaman tungkol sa iyong kapareha. Pero sa ngayon, itinutuon mo lamang ang pansin sa magagandang katangian niya, kaya’t hindi mo iniintindi ang mga sinasabi ng iba. Masuwerteng numero: 54 & 60

CANCER Magiging mas maingat ka na sa inyong relasyon matapos ang mga hindi magagandang pangyayari nitong mga nakaraang araw. Sa palagay mo, kinakailangan mong pag-isipan ang ilang mahalagang bagay tungkol sa inyo. Masuwerteng numero: 1 & 2

LEO Walang mapapala mula sa mga taong tsismoso. Sila ay magdudulot lamang ng gulo sa inyong magandang relasyon ng iyong asawa. Kaya mag-ingat ka sa bawat hakbang na iyong gagawin. Masuwerteng numero: 78 & 81

VIRGO Kinakailangan mong maghanda para sa isang mahalagang okasyon para sa iyong kapareha. Kahit na kayo ay may mga suliranin, makakahanap ka pa rin ng mga ideya kung paano ito maisasagawa nang magiging masaya siya. Masuwerteng numero: 14 & 15

LIBRA Puno ka na sa kanya at hindi mo nauunawaan ang mga nais niyang mangyari at ang mga nais mong gawin para sa iyong sarili. Kaya’t napupuno ka at pinipilit mong harapin ang masasakit na salita na ibinabato niya sa iyo. Masuwerteng numero: 30 & 40

SCORPIO Kahit na pinipilit mong mapanatili ang kahinahunan ng iyong karelasyon sa sitwasyong kinakaharap niya ngayon, mananatili siyang naiistress at nag-aalala. Kaya’t mag-iisip ka ng mga paraan kung paano mo maipapahinga ang kanyang kalooban. Masuwerteng numero: 12 & 24

SAGITTARIUS Kahit anong gawin mo, sapat na para sa iyong kapareha na malaman niya na naniniwala ka sa kanya at sumusuporta ka sa kanyang mga ginagawa. Hindi mo na kinakailangang isipin ang iba pang maitutulong. Masuwerteng numero: 5 & 15

CAPRICORN Medyo huli mo nang nauunawaan ang mga pagkukulang mo sa kanya. Kaya’t kinakailangan mong pag-isipan kung paano ka makakabawi sa iyong kapareha. Mag-isip nang mabuti tungkol sa mga hakbang na iyong gagawin. Masuwerteng numero: 13 & 28

AQUARIUS Magiging maganda ang inyong tandem ng taong nagpapakilig sa iyo ngayon. Mayroon kayong chemistry hindi lamang sa trabaho kundi pati na rin sa inyong personal na buhay. Maganda ang araw na ito para sa inyong dalawa. Masuwerteng numero: 35 & 46

PISCES Ang pagtatalo na iniiwasan ninyo sa loob ng ilang araw ay hindi na maaaring iwasan ngayong araw. Pareho kayong hindi na makakapigil sa pagpapahayag ng mga sarili ninyong opinyon tungkol sa isang isyu. Masuwerteng numero: 25 & 28

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.