32.4 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Horoscope Pag-Ibig Oktubre 2, 2023

ARIES

Mapaparanoid ka sa pagbabantay mo sa inyong relasyon dahil ayaw mo ng maulit ang mga nangyari sa inyo kamakailan lang.  Wala kang ibang gustong mangyari kundi ang maging smooth sailing ang takbo ng inyong pagsasama.

Masuwerteng numero; 17 & 19

TAURUS

Hindi mo mapipigilan ang bugso ng iyong damdamin sa oras na makita mo ang iyong ex na bigla na lang nang-iwan sa’yo sa ere. Kahit wala kang plano na komprontahin siya ay magagawa mo pa rin ito dahil hindi mo makokontrol ang iyong sarili.

Masuwerteng numero; 60 & 67

GEMINI

Sa ngayon ay hindi ka pa sigurado sa iyong damdamin para sa kanya kaya naman mas pipiliin mo na lang muna na magpatangay sa agos ng kapalaran at hayaan ang tadhana na dalhin ka sa kung saan at kanino ka nararapat.

Masuwerteng numero; 14 & 18

CANCER

Mabilis mo lang matututunan na siya ay kalimutan dahil sa dami ng iyong pinagkakaabalahan sa ngayon. Wala kang oras para magmukmok at isipin ang mga stress na pinagdaanan mo sa kanya. Madali kang makakarecover.

Masuwerteng numero; 50 & 62

LEO

Go with the flow ang relationship nyo sa ngayon. Pareho lang kayong nagpapatangay sa kung ano ang idikta sa inyo ng tadhana. Napagdesisyunan nyo ito nang sa gayon ay mas maging magaan ang inyong pagsasama.

Masuwerteng numero; 15 & 20

VIRGO

Mahihirapan kang i-let go ang mga bagay na magpapaalala sa’yo sa kanya. Kahit masakit na masakit na maalala ang mga masasaya at malulungkot ninyong pinagsamahan  dahil dito ay hindi mo pa rin ito makakayang bitawan.

Masuwerteng numero; 25 & 34

LIBRA

Maraming beses mo ng pinili ang iyong mahal kaysa sa iyong kaibigan. Pero sa pagkakataong ito ay mas pipiliin mo na ang iyong kaibigan kaysa sa taong minahal mo na dapat ay noon mo pa ginawa dahil alam mo naman talaga kung sino sa kanila ang nagmamahal sa’yo.

Masuwerteng numero; 15 & 54

SCORPIO

Mapipilitan kang pagbigyan ang iyong kapareha sa pabor na hinihingi niya sa’yo kahit medyo mahihirapan ka. Ito ay bilang kapalit ng nagawa mong pagkakamali sa kanya na hindi pa niya natutuklasan.

Masuwerteng numero; 68 & 69

SAGITTARIUS

Matagal mo nang ibinaon sa limot ang inyong pinagsamahan na dating nagpapasaya sa’yo at ngayon ay nagdudulot lamang ng kalungkutan. Kaya hindi mo na gugustuhin na magkaroon pa ng komunikasyon sa kanya kahit sa social media.

Masuwerteng numero; 24 & 39

CAPRICORN

May pag-ibig kang mararamdaman sa isang estranghero pa sa iyong buhay. Hindi mo man gustong kunsintihin ang iyong damdamin ay wala kang magagawa para mapigilan ito sa pag-usbong ng bagong kaligayahan.

Masuwerteng numero; 12 & 23

AQUARIUS

Anumang kahinatnan ng inyong relasyon ay wala kang ibang sisisihin ngayon kundi ang iyong sarili dahil sa iyong naging pagpapabaya. Maraming beses ka na niyang binigyan ng pagkakataon na binalewala mo lang.

Masuwerteng numero; 47 & 58

PISCES

Ikalilito mo ang pagbabagong magaganap sa inyong pagsasama dahil clueless ka sa kanyang iniisip at nararamdaman. Kaya naman mula sa araw na ito ay tatalasan mo ang iyong pakiramdam para hindi ka magmukhang tanga.

Masuwerteng numero; 67 & 69

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.