28.6 C
Manila
Thursday, June 20, 2024

Chinese Horoscope Oktubre 2, 2023

DAGA (RAT)

Higit kaninuman ay ikaw ang nakakakilala sa iyong sarili kaya hindi mo na lang bibigyan ng pansin ang mga tao na gustong sirain ang iyong kakayahan at pagtitiwala sa iyong talento. Hindi mo sila bibigyan ng pagkakataon.

Masuwerteng numero; 14,18,19,23

BAKA (OX)

Marami kang trabaho na napending nitong mga nagdaang araw kaya naman ngayon ay kakailanganin mo itong pagbuhusan ng panahon. Sa ayaw at sa gusto mo ay paglalaanan mo ito ng oras upang matapos lahat.

Masuwerteng numero; 11,20,22,25

TIGRE (TIGER)

Maganda ang magiging resulta ng pagbabakasakali mong subukan ang isang mahirap na gawain. Dahil dito ay matutuklasan mong kaya mo naman pala itong gawin kaya mae-excite ka sa mga susunod na araw.

Masuwerteng numero; 35,36,40,48

KUNEHO (RABBIT)

Wala sa labas ang suwerte mo ngayon. Sa maniwala ka at hindi ito ay nasa loob ng inyong tahanan. Ang suwerteng ito ang magbibigay sa’yo ng perang kailangan mo kaya umpisahan mo na ang magkalkal sa iyong mga lumang gamit.

Masuwerteng numero; 54,57,60,69

DRAGON (DRAGON)

Sa araw na ito ay magkakaroon ka ng pagkalito kung alin sa dalawa mong trabaho ang ipaprayoridad mo. Ang isa ay nagbibigay sa’yo ng malaking pera pero hindi mo gusto habang ang isa ay gusto mo pero mahina ang kita.

Masuwerteng numero; 30,33,41,42

AHAS (SNAKE)

Hindi ka mabibigo na gawin ang iyong mga balakin sa araw na ito. Mangyayari kung ano ang gusto mong mangyari ngayon. Kakasihan ka ng tadhana dahil alam ng Diyos ang maganda mong intensyon sa kabila nito.

Masuwerteng numero; 25,27,28,36

KABAYO (HORSE)

Maghinay hinay ka sa paghuhusga sa iyong kapwa lalo na sa tao na may malaking naitulong sa inyong negosyo. Balang araw ay mare-realize mo rin na ikaw ang nawalan at hindi siya kaya pag-isipan ang mga pagpapasya.

Masuwerteng numero; 3,7,8,9

TUPA (SHEEP)

Hindi mo kailangang pilitin ang tao na ayaw nang makipagkomunikasyon sa’yo. Maaaring meron siyang dahilan subalit hindi na ito magiging mahalaga dahil mas kakailanganin mo ngayong magpokus sa iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 22,26,51,53

UNGGOY (MONKEY)

Mapapasubo ka ngayon sa isang kompromiso dahil ipagmamagaling ka ng iyong kamag-anak sa isang tao. Huwag matakot o mabahala dahil ang kompromiso ring ito ang magiging daan para madagdagan ang iyong kaalaman.

Masuwerteng numero; 2,3,12,13

TANDANG (ROOSTER)

Matapos ang isang problema ay meron na namang paparating subalit hindi ka dapat masyadong mag-alala dahil may magandang idudulot ang mga problemang ito na daraan sa buhay mo. Sabi nga there’s always a rainbow after the rain.

Masuwerteng numero; 5,7,20,21

ASO (DOG)

Gaano ka man maging mahigpit sa pera sa panahong ito ay mananatili pa ring kapos ang iyong budget dahil mas malaki ang iyong importanteng gastusin kaysa sa iyong kinikita. Kakailanganin mong mag-isip ng sideline.

Masuwerteng numero; 20,30,35,48

BABOY (PIG)

Kahit papa’no ay mababawasan ang stress mo ngayong araw dahil sa magandang balitang matatanggap. Hindi man ito kasing ganda ng inaasahan mo ay malaki pa rin ang maitutulong nito sa pangangailangan mo.

Masuwerteng numero; 59,60,63,66

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.