29.8 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Horoscope Pag-Ibig Oktubre 16, 2023

ARIES

Ang awayan ninyo ni Mahal ay huwag mo gaanong intindihin. Basta kapag malamig na ang sitwasyon, makabubuti kung lalapit ka sa kanya at saka mag-usap kayo ng puso sa puso.     

 (Lucky numbers 10, 18,

TAURUS

Maaari ngang marami kang hinahangaan pero sa puso mo, iisa lang ang dapat na nagmamay-ari. Saka, kung talagang nagmamahal ka, hindi lang ang magagandang katangian niya ang dapat mong tanggapin. Importante rin na tanggap mo siya ng buung-buo. Kabilang na dito ang iyong mga kapintasan .

 (Lucky numbers 3, 9,

GEMINI

 Kapag nagmamahal ka, kailangan ay suportahan mo ang mahal mo. Hindi maaari iyong ikaw pa ang unang pipintas sa mga desisyon niya. Kung kontrabida ka kasi sa kanyang buhay, huwag mo asahan na magkakaroon kayo ng panghabambuhay.

 (Lucky Numbers 12, 25, 29)

CANCER

 Said bawat relasyon, hindi mawawala ang pagsubok. Kailangan ninyo magpakatatag sa mga pagasubok na maaaring kakaharapin ng inyong relasyon.

 (Lucky Numbers 6, 8,

LEO

Pagtibayin ninyo ang inyong relasyon dahil magiging dahilan ýan para ang pagmamahalan ninyo ay mas tumibay. Importante rin na nagkakasundo kayo palagi. Kung may problema, pag-usapan kaysa pag-awayan  

(Lucky Numbers 25, 31

VIRGO

 Kahit na itakwil ka ng iba dahil sa hindi ka nila mauunawaan ay patuloy mo ding ipaglalaban ang inyong relasyon kahit alam mong marami kayong masasaktan.

(Lucky Numbers 14, 30, 33)

LIBRA

Ang partner mo ay magiging mas malambing saýo. Dapat sana ay maging masaya ka pero dapat din yatang ikaw ay kabahan. Kung minsan kasi, kapag ang karelasyon ay nagiging mas malambing ay kalimitang may nagawang kasalanan. Kaya, talasan mo rin ang iyong pakiramdam.  

 (Lucky Numbers 2, 18

SCORPION

Kung mayroon kayong hindi pagkakaunawaan ng iyong karelasyon, makabubuti kung aayusin ninyo kaagad. Walang mabuting idudulot ang paninikis sa isa’t isa. Magiging rason lang ýan para magkaroon ng lamat ang inyong relasyon. 

 (Lucky Numbers 7,  18

SAGITTARIUS

Pakiwari mo ay hindi niya pinapahalagahan ang iyong damdamin. Yun kahit alam niyang nahihirapan ka ay tila hindi niya ito ramdam.

(Lucky Numbers 10, 23,

CAPRICORN

Kung kakakilala mo pa lang sa kanya pero nagagawa ka na niya pasiyahin, ipagkakatiwala mo na ang buhay mo sa kanya? Mas maigi kung kikilalanin mo muna siya ng husto.Upang hindi ka magsisi sa huli.

 (Lucky Numbers 5,8,

AQUARIUS

Hindi porke matagal na kayo ay sasabihin mo na lang sa sarili mo siya ang dapat mong piliin kahit alam mong hindi na siya ang iyong mahal. Huwag mong lokohin ang iyong sarili. Dapat, magpakatotoo ka. Huwag mong hayaang masaktan ka lang ng paulit-ulit.  (Lucky Numbers 25, 33,

PISCES

 Isang dating kakilala ang magbabalik sayong buhay at hindi mo na gugustuhin pang malayo sa kanya. Ngunit mag-ingat at baka muli ka lamang luluha. (Lucky Numbers 10, 12,

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.