28.1 C
Manila
Friday, April 12, 2024

Horoscope Pag-Ibig Oktubre 14, 2023

ARIES

Malulunod ka ngayon sa ligaya dahil sa pagmamahal na ipapakita ng iyong mahal. Yung feeling na ikaw na ang pinakamasuwerteng tao sa mundo dahil ikaw ang napiling mahalin ng tao na pinakamamahal mo sa lahat.

Masuwerteng numero; 6 & 12

TAURUS

Kahit walang third party sa pagitan ninyong dalawa ay hindi pa rin kayo mauubusan ng pag-aawayan at pagtatalunan. Ito ay dahil hindi compatible ang inyong mga zodiac signs. Gayunpaman, hindi ibig sabihin na kayo ay magkakahiwalay.

Masuwerteng numero; 19 & 28

GEMINI

Magiging maaliwalas ang araw mo dahil magigising ka na nasa tabi mo ang iyong mahal. Ang buong maghapon ay magiging magaan dahil pagtutulungan nyo ang lahat ng mga gawain na kakaharapin sa maghapong ito.

Masuwerteng numero; 5 & 10

CANCER

Mahihirapan kang mamili ng mamahalin mo sa dalawang tao na parehong malapit ngayon sa puso mo. Halos magkapareho ang kanilang mga ugali at halos nagpapantay sila sa timbangan ng iyong puso kaya hindi ka pa makakapagpasya.

Masuwerteng numero; 50 & 52

LEO

Mapipilitan kang kalasan ang iyong karelasyon ngayon kahit minamahal mo pa siya. Ito ay dahil hindi na healthy ang inyong relasyon. May mga tao kayong nasasaktan at meron na ring nadadamay kahit hindi dapat.

Masuwerteng numero; 35 & 44

VIRGO

May mali kang magagawa sa iyong kapareha na hindi mo pa magagawang aminin sa kanya ngayon. Kakailanganin mo pang maghintay ng tamang pagkakataon na masabi sa kanya upang hindi maapektuhan ang inyong pagsasama.

Masuwerteng numero; 26 & 36

LIBRA

Kahit na anong gawin mong pag-ungot sa iyong kabiyak ay hindi ka niya mapagbibigyan sa iyong nais sa ngayon. Mas malaki ang posibilidad na maibigay niya ang iyong hinihiling sa ibang araw pero hindi sa araw na ito.

Masuwerteng numero; 18 & 19

SCORPIO

Ang maganda nyong plano ng iyong asawa ay mauudlot sa araw na ito. Maraming hadlang ang kakaharapin nyo ng hindi inaasahan. Ito muna ang uunahin nyo bago nyo ipagpatuloy ang nauna ng plano.

Masuwerteng numero; 6 & 11

SAGITTARIUS

Mapipilitan kang kausapin ang iyong ex tungkol sa isang mahalagang bagay. Kahit pa na alam mong hindi magiging maganda ang timpla sa’yo ng kasalukuyan mong karelasyon kapag nalaman niya ito ay gagawin mo pa rin.

Masuwerteng numero; 27 & 34

CAPRICORN

Magkakaroon kayo ng masinsinang pag-uusap ng iyong kabiyak tungkol sa magiging set up ng inyong relasyon. Alam nyo pareho na kailangan ninyong magkaroon ng maayos na kasunduan para sa ikakabuti ng inyong pagtitinginan.

Masuwerteng numero; 15 & 20

AQUARIUS

Hindi ka magsasawa na pangaralan ang iyong kinakasama tungkol sa mga gawi niyang hindi nagugustuhan ng iba. Kahit pa walang pakialam ang ibang tao sa inyong relasyon ay kailangan mo pa rin itong gawin.

Masuwerteng numero; 46 & 48

PISCES

Hindi mo maiiwasan na ikumpara ang kasalukuyan mong mahal sa taong ipinagpalit mo sa kanya. Marami ka kasing mapapansin na hindi mo kayang palampasin. Dahil dito ay makakadama ka ng konting pagsisisi.

Masuwerteng numero; 32 & 43

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.