30 C
Manila
Sunday, July 14, 2024

Online Horoscope Oktubre 14, 2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Ito ang araw na iyong pinakahihintay. Malakas ang alalay sa iyo ng langit, kung saan hindi ka matatalo ng mga karibal mo. Bagkus, sa buong taon, ikaw ang palaging magwawagi. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-17-22-24-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Bibigyan ka ng langit ng sapat na tapang para masimulan ang matagal mo nang pangarap na mas mapaunlad ang iyong kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-11-19-21-25-27-30.

GEMINI (May 21-June 20) – Mapapalaban ka ngayon kung papatulan mo ang mahihina ang ulo at mababaw mag-isip. Mas mabuting umiwas ka dahil wala ka ring panalo at mapapala sa kanila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-15-26-37-40.

CANCER (June 21-July 22) – Muli, kung sino ang ayaw mo, siya ang ilalapit sa iyo ng langit. Sa pag-ayaw mo, damdamin ang iyong paiiralin at hindi kung ano talaga ang makabubuti sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-11-15-23-24-38.

LEO (July 23-Aug. 22) – Magsasalita ka nang may awtoridad. Mapapansin mo sa iyong sarili na mabigat ang mga letra mo. Gayunman, huwag kang mag-alala dahil ito ay makabubuti para sa lahat. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-20-22-25-31-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Nakapagtataka ang iyong kapalaran ngayon dahil hindi sinasadyang makakakuha ka ng kakaibang lakas mula sa iyong mga kaaway at taong naiinggit sa ‘yo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-21-28-30-33-36.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Huwag kang makumpiyansa sa magagandang salita na inuukol sa iyo. Sinabi na rin ang mga ito sa iba at tulad mo, sila rin ay nakakadama ng pagkagusto. Mag-isip ka nang mabuti bago ka mabola. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-25-27-31-39-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Bakit mo ipipilit ang akala mo ay tama ngayong alam mo nang nagkamali ka pa pala ng akala? Pag-aralan mo kung paano ka kikilos ayon sa pagbabalik sa kaayusan ng buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-15-23-29-34-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Manatili kang positibo sa kabila ng mga pangyayari na parang hindi pumapabor sa iyo ang sitwasyon. Sa huli, mauunawaan mo na inayos na ng langit, kung saan ang lahat ay para sa mas magandang kinabukasan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-15-17-22-25-31.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Humihina ang malakas at ang mahina ay lumalakas. Ito ay batas ng buhay na iyong mararanasan ngayon, kung saan ikaw na mahina ay lalakas kaysa sa iyong mga kaaway. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-21-28-36-38-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Malamig ang simoy ng hangin, pero hindi ito ang dahilan ng panlalamig ng iyong buhay dahil ang tunay na sanhi ay ang nadarama mong lungkot sa pakikipagrelasyon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-16-24-27-30-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Ito ang araw na makakabangon ka sa mga pagsubok. Tatagan mo ang iyong loob dahil ang gantimpala ay darating sa iyo matapos kang subukin at magpakatibay. Tandaan na sa taong buo ang loob, ang yaman ay lubos. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-23-29-34-37-41.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.