ARIES
Dahil sa subra subra mong pagmamahal sa kanya ay handa mong unawain ang anumang pagkukulang o pagkakamaling magagawa ng iyong kapareha. Subalit may hanganan ang lahat tulad ng mangyayari ngayon mapupuno ka ng emosyon sa pagwawalang bahala niya sa’yo. Kaya mas nanaisin munalang sumuko
Masuwerteng numero; 9 & 19
TAURUS
May makikitang kang magpapaalala sayo sa iyong sa dadaluhan mong event. Pero hindi mo siya magagawang lapitan. Hangat maaari at iiwas mo nalang siya.
Masuwerteng numero; 26 & 28
GEMINI
Magagawa mong linlangin ang iyong kapareha sa tunay mong damdamin. Maaari mo siyang mapaniwala na wala ka na talagang pagmamahal sa kanya. Pero alam mo sa sarili mo na ang lahat ng iyong sasabihin at ipapakita sa kanya ay pagpapanggap lamang.
Masuwerteng numero; 11 & 22
CANCER
Gaano mo man kagusto na sabihin sa kanya ang iyong espesyal na nararamdaman ay hindi mo pa rin magagawa. Mauumid ang iyong dila at mawawalan ka ng lakas ng loob para maging tapat at ipahayag ang iyong damdamin.
Masuwerteng numero; 1 & 29
LEO
Kahit na anong gawin mo ay hindi mo pa rin siya magagawang kalimutan. Mananatili sa iyong isipan ang inyong pinagsamahan. Magaganda man o hindi ang mga alaalang nabuo nyo ay magiging memorable pa rin ito sa’yo.
Masuwerteng numero; 36 & 38
VIRGO
Isang tao ang makakapukaw sa atensyon mo dahil sa kanyang mga bibitawang salita. Dahil dito ay magkakaroon ka ng lihim na interes sa kanya. Sa araw na ito ay sisimulan mong iistalk ang kanyang social media account.
Masuwerteng numero; 5 & 13
LIBRA
May malaking pagbabagong magaganap sa inyong relasyon. Sa ngayon ay wala kang magagawa para pigilan ang pagbabagong ito. Wala kang mapagpipilian kundi ang magpatangay sa agos at hayaan muna siya.
Masuwerteng numero; 6 & 16
SCORPIO
Hindi ka man makatiyak na tunay ang pagmamahal niya sa’yo ay magiging masaya ka na at kuntento na nasa piling mo siya. Sa halip na mag-isip at mai-stress ay sasamantalahin mo na lang ang mga oras na kasama mo siya.
Masuwerteng numero; 25 & 30
SAGITTARIUS
Hindi mo mapapansin na unti-unti ka ng nahuhulog sa tao na dati ay balewala lang sa’yo at kung minsan ay kinakainisan mo pa. Wala kang magagawa para kontrahin ang iyong puso. Mahihirapan ka lang kung pipigilan mo.
Masuwerteng numero; 20 & 24
CAPRICORN
Ikaw ang magiging sandalan ng iyong mahal sa panahon na ito na kailangang kailangan niya ng tulong. Hindi mo ito ipagkakait sa kanya. Ipaparamdam mo sa kanya na maaasahan ka niya sa lahat ng pagkakataon.
Masuwerteng numero; 43 & 49
AQUARIUS
Sa araw na ito ay hindi maiiwasan ang komprontasyon sa pagitan ninyong mag-asawa. Kahit na ano pang pagpapaliwanag ang gawin mo ay hindi mo siya mapapaniwala at sa halip ay mauuwi lang ito sa mas malalim na hindi pagkakaunawaan.
Masuwerteng numero; 14 & 16
PISCES
Bumalik man kayo pareho sa trabaho ay hindi pa rin kayo mawawalan ng oras para sa isa’t-isa. Sisiguraduhin mo pa rin na nakukumusta mo siya at mabuti ang kanyang kalagayan sa bawat oras na lilipas.
Masuwerteng numero; 32 & 48