29.7 C
Manila
Saturday, July 13, 2024

Online Horoscope Nobyembre 29, 2023

ARIES  (Marso 21 – April 19) Isang magandang kapalaran ang biglang dadapo sa iyo. Ito ay hindi mo dapat pagpagin. Dahil habang pinapagpag mo ito, ito ay kusang darami. Panatiliin mo ang pagiging mabuti mo at matulungin, upang ang suwerteng ito ay manatili na sa iyo habang buhay.  Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  4, 10,  25, 29,  31, 41.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) –  Kung ang iba ay nagsisikap upang maabot ang kanilang mga pangarap, pero bigo pa rin sila, ang sa iyo ay kakaiba. Kahit hindi ka mag-sikap, basta lagi ka lang “in love at may galak sa iyong puso”,  susuwertehin ka na at kusang darating sa iyong ang katuparan ng lahat ng iyong mga pangarap. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  6, 14, 22, 24, 39, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Mag-iibayo ang iyong sigla. Palatandaang mag-iibayo rin ang pagdating ng iyong suwerte at magandang kapalaran. Ipamahagi mo ito sa iba, dahil ang isa pang magandang balita, habang ipinamamahagi mo sa iba ang suwerte ito ay parang mga langgam sa natapong asukal sa mesa, mabilis itong darami. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 9, 18, 21, 33, 41, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Bawal ang tumigil at mamahinga, dahil ito ang araw kung saan, hindi ka dapat tumigil, sapagkat sa araw ding ito nakita ng nasa itaas ang mga pagsisikap at pagsisipag mo. Malapit na malapit na ang langit mismo ang kikilos para sa iyo. Kapag nangyari na yon, hindi ka gaanong mahihirapan, ang suwerte at magandang kapalaran na mismo ang lalapit at kusang papaloob sa iyo. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero  7, 18,  25, 34, 40, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Higit na makapangyarihan ang damdamin mo sa mga panahong ito. Haluan mo ng lambing at pahagod-hagod sa balikat ng sinumang hihingan mo ng favor. Kapag nagawa mo yan, hindi ka nya makakayang tanggihan. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  5, 10, 28, 36, 41, 45.   

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ito ang masuwerteng araw para sa iyo upang maglinis ng bahay. Pero may isang bagay na kailangan mong isagawa. Panatiliin mong bukas ang bintana sa gawing silangan, upang dito pumasok ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  1, 16, 17, 27, 39, 40.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Nalilito ka  ba sa ngayon kung ano ang talagang pangarap mo sa iyong buhay? Tapos na ang iyong pagkalito dahil isang negosyo ang ilalagay sa harap mo na ikaw ang mamamahala. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  6, 12, 24, 27, 33, 44.  

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ito ang araw na tuloy-tuloy ang suwerte mo. Wag mong ipagdamot sa mga malalapit sa iyo, bahaginan mo sila ng sa ganon ay masabi mismo ng mga bibig nila na ikaw ay iba sa lahat, na ikaw ay likas na mapagbigay at matulungin. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 4, 11, 25,  38,  41, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Tulad ng napakalaking pagbaha, aagos na ang suwerte at magandang kapalaran sa iyong  karanasan, na gugulat sa mga taong malalapit sa iyo at sa mga kasama mo sa bahay. Walang kang dapat gawin kundi ang balatuhan mo silang lahat, upang magpatuloy pang dumami at lumakas ang agos ng suwerte at magandang kapalaran hangang sa mapuno ang inyong bahay. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 3, 18, 26, 29, 33, 40.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hindi puwede sa iyo ang nanamlay na para bang pasan mo ang napakabigat na mundo. Panahon na upang wakasan ang kalungkutan.  Ngayong araw na ito, dadalan ka ng suwerte at magandang kapalaran ng langit, ito ang magbibigay sa iyo ng bagong saya at ligaya. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero  4, 19, 23, 32, 35, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ito ang araw kung kailan na ang iiral sa iyo ay awa. Tutulong ka na naman sa isang taong hindi mo naman gaanong kakilala.  Magkagayon man, pinapanood ka ng nasa itaas. Sa anumang pagtulong na iyong ginagawa, may ganting suwerte at magandang kapalarang ipagkakaloob sa iyo ang langit. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 4, 11, 25, 28, 34, 43.  

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Tinatalian ang saranggola upang wag makawala sa kalangitan. Hindi mo rin dapat pakawalan ang suwerte at magandang oportunidad na dumarating. Wag kang matakot at dapat lang na magtiwala ka sa iyong sarili. Kaya nga  upang hindi makawala ang suwerte at magandang kapalaran, sunggab lang ng sunggab sa bawat magagandang oportunidad na dumarating. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 5, 14,  28, 32, 41, 43.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.