25.4 C
Manila
Monday, February 26, 2024

Horoscope Pag-Ibig Nobyembre 25, 2023

ARIES Hindi kailanman magiging tama ang pag-ibig na maraming nasasaktan. Sa umpisa pa lang ng inyong relasyon, alam mo nang marami kayong masasaktan. Nararapat lamang na bumitaw ka na habang maaga at kaya mo pa.
Masuwerteng numero: 15 & 18

TAURUS Walang ma-resolba sa anuman sa mga kinakaharap ninyong problema, dahil pareho kayong takot harapin ang mga ito. Lalo ka na dahil marami kang agam-agam at hindi buo ang tiwala mo sa kanya.
Masuwerteng numero: 12 & 17

GEMINI Malaki ang maitutulong mo sa iyong karelasyon upang malagpasan niya ang mga pinagdadaanang depresyon ngayon. Wala siyang nakikita ngayon kundi lungkot at kabiguan, at ikaw lamang ang nagsisilbing liwanag.
Masuwerteng numero: 34 & 48

CANCER Kontento ka ngayon sa iyong love life. Masaya ka sa kanyang nararamdaman. Ang haharapin muna lang na problema ay may kinalaman sa iyong mga financial na pangangailangan dahil nakapila na ang mga bills na dapat nang mabayaran.
Masuwerteng numero: 18 & 9

LEO Ikakairita ang pangingialam sa’yo ng isang tao tungkol sa iyong buhay pag-ibig. Sa lahat ng ayaw, ito ang pinangungunahan sa iyong mga desisyon pagdating sa buhay na may kinalaman sa pag-ibig. Sensitibo ito para sa’yo.
Masuwerteng numero: 1 & 10

VIRGO Mahalaga na malaman ng iyong kapareha ang iyong mga saloobin, lalo na pagdating sa mga mahahalagang bagay na inyong pinagdedesisyunan. Pero sa ngayon, magiging madamot ka para sa kung anuman ang iyong mararamdaman.
Masuwerteng numero: 40 & 52

LIBRA Hindi pa ito ang takdang araw ng paghihiwalay ninyo ng landas. Pero malapit na malapit na ito mangyari dahil dadating na kayo sa puntong hindi na ninyo mauunawaan pa ang opinyon at ang paniniwala sa isa’t isa, lalo na sa mga importanteng bagay para sa inyo.
Masuwerteng numero: 15 & 33

SCORPIO May tungkulin ka sa iyong asawa na dapat mong gampanan. Kung patuloy mong itong baliwalain, malaki ang posibilidad na humantong kayo sa isang problema sa inyong pagsasama, at hindi mo rin ito magugustuhan at ayaw mong mangyari.
Masuwerteng numero: 56 & 70

SAGITTARIUS Ikakatuwa ng iyong kapareha na sa wakas, nakapag-decide ka nang wag nang ituloy pa ang pagtatrabaho sa malayong lugar. Kaya naman, magugulat ka sa isang sorpresang inihanda niya para sa’yo, at dahil dito, ikaw ay labis na natutuwa at kinikilig.
Masuwerteng numero: 36 & 42

CAPRICORN May dadating sa inyong buhay na siyang magsisilbing third party sa inyong masayang relasyon. Sa ayaw at sa gusto mo, magkakaroon siya ng malaking parte sa iyong buhay pag-ibig. Kaya ihanda mo na lang ang iyong sarili sa mga komplikadong araw.
Masuwerteng numero: 55 & 64

AQUARIUS Magiging mailap pa rin ang iyong suwerte pagdating sa usaping pag-ibig. Ang tao, kasing akala mo na siya na ang makakasama mo sa habang buhay, bigla na lamang nawala parang bula, kaya hahantong ka nanaman sa kabiguan.
Masuwerteng numero: 67 & 73

PISCES Magiging ganado ka sa iyong pagtatrabaho buong araw, at hanggang gabi ay magiging laman ng isipan mo ang masasayang sandali na namamagitan sa inyo ng isang tao na matagal mo nang minahal ng hindi niya alam.
Masuwerteng numero: 10 & 35

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.