27.2 C
Manila
Saturday, June 22, 2024

Online Horoscope Nobyembre 25, 2023

ARIES (Marso 21 – April 19) Darating ang mga oportunidad upang ikaw ay uunlad. Ang payo ay wag magdalawang isip at kaagad itong sunggaban kung nais mong maging sagana ang iyong bagong taon. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero: 2, 9, 20, 34, 33, 42.

TAURUS (April 20 – Mayo 20) Ipakita mo ang iyong nakatagong galing. Wag kang magdalawang isip, ito ang pagkakataon mo umunlad sa taong 2024. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero: 1, 9, 27, 33, 37, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Kumilos ka at sundin mo ang nasa isip mo. Habang iniisip mo na ikaw ay magtatagumpay, tiyak iyon din ang mangyayari. Kaya lakasan mo ang iyong loob. Mapalad ang kulay apple green. Masuwerteng numero: 1, 18, 21, 29, 32, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ibinilang ang iyong pangalan sa mga taong pagkakalooban ng magagandang kapalaran sa unang buwan pa lang ng taong 2024 kaya walang dahilan upang paghinaan ka ng loob. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero: 8, 14, 25, 31, 35, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Dahil sa likas na kabutihan ng iyong loob, nangangako ang langit na pagkakalooban ka ng isang magandang bagong taon sa iyong buhay. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero: 5, 13, 21, 31, 35, 40.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Dahil dito, pagkakalooban ka ng langit ng sapat na talino na magagamit mo sa mga nagsisilapit sa iyo at magagamit mo rin sa iyong sarili. Ang talino ding ito ang magbibigay sa iyo ng suwerte at magagandang kapalaran habang ginagamit mo sa pagtulong sa kapwa at sa mga nangangailangan. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero: 6, 14, 19, 32, 39, 41.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Mag-aalab ang hangarin mong maabot ang pinakamataas na pag-unlad sa iyong buhay. Dahil dito, walang pagdududa na iiwan mo ng milya-milya ang mga karibal mo at kakumpetensya. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero: 2, 16, 29, 31, 34, 41.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Isa lang ang pormula upang suwertehin ka at magpatuloy ang dating ng magandang kapalaran. Magtiwala ka sa iyong sarili. Kapag nagawa mo ‘yan, simula ngayon, hanggang sa susunod na taon, mapapasa iyo ang malalaking suwerte at ang magagandang kapalaran na noon mo pa hinihintay na dumating. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero: 7, 18, 27, 35, 38, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Totoong sobrang marami ang mga biyayang ilalagay ng langit sa iyong harapan. Ngunit dapat alamin kung ano lamang ang kailangan at ‘yun lang ang iyong kunin. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero: 2, 19, 24, 32, 34, 44.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) Kakaibang saya at ligaya ang mapapasa iyo. Ito ay tanda na malaking tagumpay ang naghihintay sa’yo sa susunod na taon. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero: 2, 14, 25, 32, 41, 45.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) Ginagarantiyahan ng lahat ang iyong tagumpay sa taong 2024 basta ipagpatuloy mo lang ang iyong kabaitan at pagiging mabuting tao. Mapalad na kulay orange. Masuwerteng numero: 4, 13, 23, 28, 37, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Narinig mo na ba ang kasabihang, “Kapag walang tyaga, wala kang mailalaga.” Kaya wag na wag kang mawalan ng pag-asa, lahat ay magiging maayos din. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero: 5, 10, 22, 38, 40, 44.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.