28.2 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Horoscope Pag-Ibig Nobyembre 20, 2023

ARIES: Magiging mabigat sa loob mo ang pagpapaalis sa iyong mahal sa inyong bahay, ngunit wala kang magagawa kundi gawin ito. Kung hindi mo ito gagawin, alam na alam mo kung gaano pa pwedeng lumala ang sitwasyon sa pagitan niya at ng iyong mga magulang. Masuwerteng numero: 10 at 20

TAURUS: Hindi mo matitiis ang iyong mahal. Alam niyang masama ang loob mo, kaya’t hindi niya palilipasin ang araw na ito nang hindi kayo nagkakasundo. Maghintay ka lang dahil may gagawin siyang paraan para magkabati kayo. Masuwerteng numero: 18 at 19

GEMINI: Marami na kayong pagsubok na pinagdaanan kaya ang mararanasan nyo ngayon ay mamaniin nyo na lang. Pero kung ano pa yung inaasahan mo na madaling resolbahin ay doon pa kayo mahihirapan ng iyong karelasyon. Masuwerteng numero: 13 at 24

CANCER: Sa araw na ito, magiging magaan ang relasyon ninyo. Walang away. Walang stress. Ito ay dahil pareho kayong may pinagkakaabalahan na pareho ninyong gusto kaya magiging magkasundo talaga kayo ngayon. Masuwerteng numero: 7 at 15

LEO: May bago kang magiging tagahanga ngayon. Pero sa halip na matuwa ka, mai-stress ka lang dahil alam mo na ang paghanga sa iyo ng iba ay maaaring maging simula ng gulo ninyo ng kasalukuyan mong karelasyon. Masuwerteng numero: 22 at 25

VIRGO: Hindi ka maboboring sa araw na ito kahit pa mag-overtime ka sa trabaho. Ito ay dahil makakasama mo ang taong lihim mong minamahal sa buong maghapon. Kaya naman lulukso-lukso ang puso mo sa tuwa. Masuwerteng numero: 14 at 21

LIBRA: Kahit itago mo ang iyong problema, hindi mo ito maikukubli sa iyong mahal. Kabisadong kabisado niya ang iyong galawan kapag may problema kang kinakaharap, lalo’t ito ay mabigat, kaya mas makakabuti kung sasabihin mo na lang. Masuwerteng numero: 57 at 68

SCORPIO: Kahit na nangako ka na sa kanya at sa iyong sarili na magkakaroon ka na ng oras para sa kanya, hindi mo pa rin ito magagawa. May mga bagong proyekto kang hahawakan kaya ito pa rin ang iyong mapagtutuunan ng pansin. Masuwerteng numero: 39 at 47

SAGITTARIUS: Ang dapat sana’y masayang okasyon ninyong dalawa na magkarelasyon ay mauuwi sa hindi pagkakaintindihan. Ito ay dahil sa pagdating ng isang tao na ayaw mong makita dahil siya ang iyong pinagseselosan. Masuwerteng numero: 40 at 42

CAPRICORN: Hindi ikaw ang tipo na kapag na-brokenhearted ay magkukulong sa kwarto at magmumukmok. Gusto mo nang lumabas ng bahay, maglibang kasama ang mga kaibigan, at aliwin ang iyong sarili hanggang sa mawala sa isip mo ang kabiguan. Masuwerteng numero: 9 at 18

AQUARIUS: Makakaramdam ka ng matinding selos dahil ang ex ng iyong karelasyon ay muli niyang makakasama sa trabaho. Hindi mo ito gustong mangyari kaya naman mag-iisip ka ng paraan para hindi ito matuloy. Masuwerteng numero: 15 at 34

PISCES: Kikiligin ka sa araw na ito dahil maaalalang magparamdam sa’yo ng taong lihim mong minamahal. Kahit simpleng pagbati lang ay magiging masaya ka na, at dadalhin mo ang kasiyahang ito hanggang sa pagtulog. Masuwerteng numero: 63 at 67

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.