28.1 C
Manila
Friday, April 12, 2024

Horoscope Pag-Ibig Nobyembre 15, 2023

ARIES: Ang pagbibigayan at pag-unawa ang iyong hangarin para sa daloy ng inyong relasyon. Ngunit sa nangyayari, tila ikaw na lamang ang laging nagbibigay, at siya naman ay patuloy na nangunguha. Hindi mo na mararamdaman ang pagmamahal. Suwerteng numero: 14 & 24

TAURUS: May malaking tiwala ka sa iyong minamahal, at alam niya iyon. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi mo maiintindihan ang iyong sarili kung bakit tila kinukutuban ka na parang may itinatago siyang hindi maganda. Suwerteng numero: 56 & 68

GEMINI: Nakakainis ng iyong kapareha ang palaging pagbabago ng iyong mga desisyon, lalo na at may isang mahalagang bagay na kinakailangan mong desisyunan na makakaapekto sa inyong pamilya. Mahihirapan siyang intindihin ka dahil dito. Suwerteng numero: 19 & 20

CANCER: Ang pabor na matagal ng hinihingi sa iyo ng iyong minamahal ay maibibigay mo na rin sa wakas. Kaya naman, kahit papaano, mapapatahimik ka na dahil hindi ka na niya kukulitin tungkol dito. Magiging komportable na rin ang iyong pakiramdam. Suwerteng numero: 6 & 17

LEO: Wala kang dapat ipag-alala sa iyong kapareha na nasa malayo. Mas mabuti ang kanyang kalagayan kaysa iniisip mo. Kaya maipapanatag mo na ang iyong loob at mabibigyan mo rin ng pansin ang iba pang mahahalagang bagay. Suwerteng numero: 10 & 23

VIRGO: Ikakalungkot mo ang iyong matutuklasan tungkol sa problemang kinakaharap ng iyong minamahal ngayon. Bagamat hindi mo gusto ang ideya na inilihim niya ito sa iyo, hayaan mo na lamang at tutulungan mo siyang masolusyunan ito. Suwerteng numero: 50 & 60

LIBRA: Kahit may mga anak na kayo, hindi mo pa rin matatanggap na mas pinapaboran pa rin ng iyong asawa ang iyong mga biyenan kaysa sa iyong sariling pamilya. Kaya naman hindi mo maiiwasang magdamdam. Suwerteng numero: 54 & 69

SCORPIO: Masakit man, alam mong kailangan mong tanggapin na hindi talaga kayo para sa isa’t isa sapagkat mula pa lang sa inyong relasyon, puro problema na agad ang kinaharap ninyo hanggang ngayon. Suwerteng numero: 18 & 19

SAGITTARIUS: Swerte ka dahil may sapat kang lakas ng loob para iwasan ang tukso. Dahil dito, itinuturing ka ng iyong kapareha na napakaswerte. Wagas at walang kapantay ang pagmamahal mo sa kanya. Suwerteng numero: 15 & 21

CAPRICORN: Makikita mo na ngayon ang resulta ng palaging mong pagbibigay sa kahilingan ng iyong minamahal. Hindi masama ang pagbigay pabor sa kanya, ngunit kung alam mo na hindi ito makakabuti, dapat mo ring pag-isipan muna. Suwerteng numero: 42 & 67

AQUARIUS: Matatangay ka ng iyong damdamin, at makakalimutan mo ang taong tunay na nagmamahal sa iyo. Ang isang araw na pagkakamali na ito ay magdudulot ng habambuhay na pagsisisi sa iyo. Suwerteng numero: 17 & 27

PISCES: Walang batayan ang iyong selos, at wala ring katotohanan ang iyong mga hinala. Ito mismo ang mapapatunayan sa iyo ng iyong minamahal ngayon, kaya magkakaroon na rin ng kapanatagan ang naguguluhan mong damdamin. Suwerteng numero: 25 & 32

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.