27.9 C
Manila
Sunday, May 19, 2024

Horoscope Pag-Ibig Nobyembre 11, 2023

ARIES

Hindi kailanman magiging tama ang pag-ibig na maraming nasasaktan. Sa umpisa pa lamang ng inyong relasyon, alam na alam mong marami kayong nasasagasaan, kaya nararapat lamang na bumitaw ka na hangga’t maaga at kaya mo pa. Masuwerteng numero: 15 & 18

TAURUS

Walang mareresolba sa kinakaharap ninyong mga problema dahil pareho kayong takot harapin ang mga ito. Lalo ka na dahil marami kang agam-agam at hindi buo ang tiwala mo sa kanya. Masuwerteng numero: 12 & 17

GEMINI

Malaki ang maitutulong mo sa iyong karelasyon upang malagpasan niya ang mga pinagdadaanang depresyon ngayon. Walang ibang nakikita siya ngayon kundi pawang kalungkutan at kabiguan, at ikaw lamang ang nagsisilbing liwanag. Masuwerteng numero: 34 & 48

CANCER

Kontento ka ngayon sa iyong love life. Masaya ka sa feeling niya. Kaya ang haharapin muna lang na problema ay may kinalaman sa iyong mga financial na pangangailangan dahil nakapila na ang mga bills na dapat mong mabayaran. Masuwerteng numero: 18 & 9

LEO

Ikakairita ang pangingialam sa iyo ng isang tao tungkol sa iyong buhay pag-ibig. Sa lahat kasi ng ayaw, ang pinangungunahan sa iyong mga desisyon pagdating sa buhay na may kinalaman sa pag-ibig. Sensitibo ito para sa iyo. Masuwerteng numero: 1 & 10

VIRGO

Mahalaga na malaman ng iyong kapareha ang iyong mga saloobin lalo na pagdating sa mga mahahalagang bagay na inyong pagdedesisyunan. Pero sa ngayon, magiging madamot ka para sa kung anuman ang iyong mararamdaman. Masuwerteng numero: 40 & 52

LIBRA

Hindi pa ito ang takdang araw ng paghihiwalay ninyo ng landas. Pero malapit na malapit na ito mangyari dahil dadating na kayo sa puntong hindi na ninyo mauunawaan pa ang opinyon at ang paniniwala sa isa’t isa, lalo na sa mga importanteng bagay para sa inyo. Masuwerteng numero: 15 & 33

SCORPIO

May tungkulin ka sa iyong asawa na dapat mong gampanan. Kung patuloy mong itong baliwalain, malaki ang posibilidad na humantong kayo sa isang problema sa inyong pagsasama, at hindi mo rin ito magugustuhan at ayaw mong mangyari. Masuwerteng numero: 56 & 70

SAGITTARIUS

Ikakatuwa ng iyong kapareha na sa wakas, nakapag-decide ka nang wag nang ituloy pa ang pagtatrabaho sa malayong lugar. Kaya naman, magugulat ka sa isang sorpresang inihahanda niya para sa iyo, at dahil dito, ikaw ay labis na natutuwa at kikiligin. Masuwerteng numero: 36 & 42

CAPRICORN

May darating sa buhay ninyo at siya ang magsisilbing third party sa inyong masayang relasyon. Sa ayaw at sa gusto mo, magkakaroon siya ng malaking parte sa iyong buhay pag-ibig. Kaya ihanda mo na lang ang iyong sarili sa mga komplikadong araw. Masuwerteng numero: 55 & 64

AQUARIUS

Magiging mailap pa rin ang iyong suwerte pagdating sa usaping pag-ibig. Ang tao kasing ang buong akala mo na siya na ang makakasama mo sa habang buhay ay bigla na lamang nawala ng parang bula kaya hahantong ka nanaman sa kabiguan. Masuwerteng numero: 67 & 73

PISCES

Magiging ganado ka sa pagtatrabaho mo sa buong araw, at hanggang gabi, laman ng isipan mo ang masasayang sandali na namamagitan sa inyo ng isang tao na matagal mong minahal ng hindi niya alam. Masuwerteng numero: 10 & 35

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.