26.7 C
Manila
Monday, July 15, 2024

Online Horoscope Nobyembre 11, 2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Ang payo para sa iyo ay mabilis na pagkilos. Kaya huwag kang babagal-bagal nang hindi lumalampas ang mga suwerte sa iyo. Sa mabilis na pagpaplano at pagkilos, tiyak na mapapasaiyo ang pag-unlad. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto: 11-19-20-27-29-30.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Hindi ka dapat masiyahan sa mga sumasaiyong magandang kapalaran. Kapag naniwala ka na ang tao ay dapat makuntento, iiwanan at pagtatawanan ka ng mga karibal mo. Ituloy mo lang ang pagsisikap at magagandang ginagawa mo ngayon hanggang sa tuloy-tuloy ka ring yumaman at umunlad. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto: 3-7-11-45-26-33.

GEMINI (May 21-June 20) – Isa-isa lang, hindi mo puwedeng pagsabay-sabayin ang mga gusto mong gawin. Ang mga sabayang proyekto ang nagpapabagsak sa tao dahil kukulangin siya sa pagtutok. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto: 19-20-25-27-38-41.

CANCER (June 21-July 22) – Ito ang araw na dapat kang magsaya. Bubuksan ng nasa itaas ang bintana ng langit upang maghulog ng iba’t ibang uri ng magagandang mga kapalaran. Sa sandaling ikaw ay lumabas ng bahay, tiyak na ikaw ang unang mababagsakan ng mga suwerte at kakaibang buwenas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto: 11-18-21-25-27-34.

LEO (July 23-Aug. 22) – Isantabi mo ang mga bagay na walang kinalaman sa negosyo o pagkakakitaan. Tipunin mo ang lakas at talino mo sa pagpapalago ng kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto: 14-15-20-21-24-25.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Napansin mo ba na halos lahat ay nakakaranas ng pagdating ng mga suwerte? Kahit ang mga minamalas ngayon ay mukhang binubuwenas. Higit kanino, ikaw ang pinakasuwerte. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto: 17-25-27-39-40-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Oo, puwede sa iyo ang dalawa ang sabay na minamahal. Pero sa iyo ay puwede, ngunit sa minamahal mo ay hindi puwede kaya sumunod ka sa payo na, isa-isa lang muna. Ito ang paalala sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto: 18-22-23-31-32-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Kumuha ka ng lakas sa mababait at mapagmahal mong mga kaibigan. Malakas ka, pero kailangan mo ang dagdag na lakas na iyong magagamit sa malalaki mong ambisyon sa buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto: 17-20-21-23-25-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Kapag nawalan ka, lihim kang matuwa. Dahil nakatakda kang mabawasan, pero nakatakda ring mas malaki ang ibabalik sa iyo kaysa sa mga nawala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto: 11-29-30-31-39-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon dahil ang mga suwerte ng iba na hindi marunong magpahalaga sa ganda ng buhay ay malilipat sa iyo. Ito ang naging pasya ng langit na hindi na magbabago kailanman. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto: 10-14-15-28-38-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Muli, tayo-upo, upo-tayo, lakad-balik, balik-lakad. Minsan nang naging ganito ang kakaibang istilo mo nang ikaw ay sinuwerte. Ngayon mangyayari ang nakaraan at sa ganitong paraan ka ulit susuwertehin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto: 19-20-26-27-35-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Lumabas ka ng bahay at ikaw ay mamasyal. Sa iyong pag-uwi galing sa trabaho, mamasyal ka muna. Ito ang magsisilbing pampasuwerte mo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto: 11-15-16-20-22-24.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.