26.5 C
Manila
Thursday, February 29, 2024

Horoscope Pag-Ibig Disyembre 7, 2023

ARIES: Mapupuno ng paglalambingan ninyo ang araw na ito. Lalo pang titibay ang pagmamahalan ninyo sa isa’t isa matapos ang mga pagsubok na nilampasan ninyo nitong mga nakaraang araw. Ngayon ang araw na pagmumunimuni-han ninyo ito. Masuwerteng numero: 16 at 21

TAURUS: Mararamdaman mo na ngayon ang panlalamig sa’yo ng iyong kapareha na matagal mo nang inaasahang mangyari. Alam mo na darating din ang araw na ito na magsasawa siya sa setup ninyo na maging sa iba ay hindi katanggap-tanggap. Masuwerteng numero: 46 at 55

GEMINI: Sa kabila ng lakas ng iyong karisma, ng katalinuhan, at iba pang espesyal na katangian, hindi ka pa rin papansinin ng tao na gusto mong mapansin sa’yo. Ang atensyon niya ay mananatili sa kanyang pinagkakaabalahan. Masuwerteng numero: 17 at 23

CANCER: Kailangan mong tanggapin na hindi lahat ng tao ay mapapakiusapan mo na huwag makialam sa inyong relasyon. Lalo pa at alam nila na dumaraan kayo ngayon sa malaking problema na susubok sa inyong pagsasama. Masuwerteng numero: 15 at 19

LEO: Wala kang balak na dramahan ang iyong asawa para lamang makuha ang iyong gusto sa araw na ito. Mas gusto mong pagbigyan ka niya dahil ginusto niya ito nang kusang loob at hindi dahil naawa lang siya sa drama mo. Masuwerteng numero: 33 at 37

VIRGO: Mahihiya kang kausapin o lapitan ang iyong karelasyon matapos ang matinding away ninyo. Hindi mo alam kung paano ka makikipagkasundo sa kanya ngayon alam mo na ikaw ang nagkamali at hindi siya. Masuwerteng numero: 12 at 20

LIBRA: Kahit hindi mo siya nakakasama, patuloy ka pa ring aasa na magwowork pa rin ang inyong relasyon. Wala kang balak bumitaw sa gitna ng mga problemang kinakaharap ninyo ng magkahiwalay at ito ang ipaparamdam mo sa kanya ngayon. Masuwerteng numero: 10 at 19

SCORPIO: Kahit na alam mong hindi mo na siya dapat kumustahin, gagawin mo pa rin. Sobrang namimiss mo na siya kaya naman kahit magmukha kang tanga sa paningin niya, pipiliin mo pa rin na makausap siya kahit sandali. Masuwerteng numero: 43 at 56

SAGITTARIUS: Hindi mo mapipigilan ang tukso pero magagawa mo itong iwasan kung gugustuhin mo. Ang magiging problema mo ay ikaw pa mismo ang lalapit sa tukso kahit alam mo na ang motibo nito kaya mahihirapan kang iwasan ito. Masuwerteng numero: 11 at 17

CAPRICORN: Wala ka ng babalikan. Kahit pa subukan mo na muling kumonekta sa kanya ay malabo nang mangyari ang iniisip mo. Bago pa man kayo maghiwalay, alam mong may iba na siyang minamahal kaya dapat mo nang kalimutan. Masuwerteng numero: 50 at 60

AQUARIUS: Sa wakas, magdedesisyon ka na rin ngayon na harapin ang problema ng inyong relasyon. Ipaglalaban mo kung ano ang para sa’yo at hindi mo hahayaang maagaw ng iba ang iyong mahal. Gagawin mo ang lahat. Masuwerteng numero: 54 at 68

PISCES: Labis mong ikakairita ang pagiging pasaway ng iyong kapareha. Kahit lagi mo siyang iniintindi, hindi ka pa rin masasanay sa ugali niya kaya naman sa away pa rin lagi mauuwi ang hindi ninyo pagkakaintindihan kahit pa sa maliit na bagay. Masuwerteng numero: 32 at 41

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.