26.7 C
Manila
Sunday, June 16, 2024

Online Horoscope Disyembre 7, 2023

ARIES (Marso 21 – Abril 19):
Gagantimpalaan ka ng langit kahit wala kang ginagawang anumang bagay. Ipagpatuloy mo ang iyong kabutihan, ang iyong kasalukuyang sarili, at ang kasalukuyang ginagawa upang lalo kang mapalapit sa itaas at mas marami pang gantimpala ang matanggap mo. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero: 1, 8, 25, 27, 40, 45.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20):
Kailangang yumaman ka, dahil hindi mo kayang hindi tulungan ang mga lumalapit sa iyo. Pero ‘wag kang mag-alala, dahil ang langit ang siyang laging aalalay sa iyo at magbibigay ng mas maraming biyaya at pagpapala. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero: 6, 18, 24, 34, 43, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21):
Unahin mo ang kabuhayan kaysa sa pag-ibig. Dahil ang una talagang mangyayari sa iyo ay ang yumaman. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero: 9, 15, 28, 35, 42, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22):
Hindi mo maiiwasang magkaruon ng negatibong pananaw. Kapag ito ay nangyari, kailangan mo ng karamay. Ang isang kaibigang Virgo ang tutulong sa iyo upang tuluyang makaharap ang mga pagsubok sa iyong kapalaran. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero: 2, 13, 25, 34, 38, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22):
Hindi ka magiging mapayapa hangga’t hindi mo natutulungan ang isang malapit sa iyong puso. Nang matiwasay ka na, tulungan mo siya. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero: 5, 14, 21, 19, 29, 41.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22):
May babala na maaaring isipin ng iyong tinulungan na may pagtingin ka sa kanya, at kung sakaling magkataon na mahina ka, maaari kayong magkaruon ng relasyon. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero: 9, 16, 29, 34, 38, 45.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23):
Habang iniinsulto ka ng isang nilalang, siya ang nasusunog sa mata ng mga tao. Ikaw, na walang kasalanan, ay mas lalong dadami ang iyong suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang kulay na pula. Masuwerteng numero: 6, 15, 29, 31, 34, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21):
Hindi mo maintidihan kung tag-init na ba o patuloy ang paglamig ng panahon. Medyo nagiging kakaiba na talaga ang kalikasan. Sa panahong ito, iwasan ang sobra-sobrang paglapit sa kabaliktaran ng kasarian. Tandaan na ang kahoy, kahit na basang-basa, ay nag-aapoy kapag mainit. Mapalad na kulay ang dilaw. Masuwerteng numero: 4, 16, 13, 37, 41, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21):
Ikaw ay magugulat kung bakit lagi kang suwerte. Kasi nakakabit na ang swerte sa iyong katawan mula pa noong unang araw ng iyong pagkapanganak. Magbahagi ka sa mga hindi gaanong suwerte, dahil sa totoo lang, ang kanilang suwerte ay napupunta sa iyo. Mapalad na kulay ang purpura. Masuwerteng numero: 6, 19, 27, 35, 37, 42.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19):
Ang sipag mo ay tinalo ang talino ng mga matalino. Ang totoo, inggit sila sa iyo dahil alam nilang kahit sila ay matalino, hindi ito sapat para umunlad. Hindi katulad mo, may kaunting talino at maraming sipag. Mapalad na kulay ang itim. Masuwerteng numero: 1, 8, 17, 24, 28, 40.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18):
May lihim na ipagtitiwala sa iyo ng isang malapit sa puso mo. Ingatan ito upang hindi masira ang inyong relasyon at mas lalong pagkatiwalaan ka ng maraming mga lihim sa kanyang kalooban. Mapalad na kulay ang madilim na berde. Masuwerteng numero: 5, 14, 20, 23, 36, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20):
Ito ang araw na maririnig ng langit ang iyong kahilingan para sa kapakanan ng iyong mahal sa buhay kaya’t agad itong matutupad. Tamang ginagawa mo, palaging unahin ang kapakanan ng iyong mga mahal sa buhay kaysa sa anuman. Mapalad na kulay ang lumang rosas. Masuwerteng numero: 5, 16, 19, 37, 43, 45.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.