25.9 C
Manila
Sunday, March 3, 2024

Horoscope Pag-Ibig Disyembre 6, 2023

ARIES

Masasaktan ka sa pambabaliwalang gagawin niya sayo, Hindi mo mauunawaan kung ano ang nagawa mong pagkakamali sa biglaan niyang pagbabago.

Masuwerteng numero- 5-8

TAURUS

Magiging masaya ang araw nyong mag-asawa dahil sa biyayang inyong matatanggap. Kahit madalas kayong kinakapos ngunit nakakaraos din naman,

Masuwerteng numero; 24 & 35

GEMINI

Hindi mo maiiwasan ang pakikipag-argumento sa iyong karelasyon dahil sa iyong mga byenan. May bagay kayong hindi pagkakasunduan at sa pagkakataon na ito ay hindi mo mararamdaman ang kanyang simpatya.

Masuwerteng numero; 10 & 20

CANCER

Ikakalungkot mo ang hindi pagpaparamdam ngayon ng iyong mahal. Wala kang matatanggap na tawag o text man lang mula sa kanya, Kaya naman tutubuan ka ng paghihinala.

Masuwerteng numero;18 & 19

LEO

Mag-iiba ang ihip ng hangin ngayon sa inyong relasyon. Kung madalas ay madaling mag-init ang ulo niya sa’yo at sa iba pang nakapaligid sa inyo, ngayon ay daig pa niya ang isang maamong tupa.

Masuwerteng numero; 24 & 46

VIRGO

Mahahawa ka sa kasigasigan ng iyong kapareha sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan. Kaya mas lalo mo siyang mamahalin at ipagmamalaki.

Masuwerteng numero; 7 & 9

LIBRA

Magugulat ka sa effort na gagawin ng iyong kapareha para matulungan ka lang sa kinakaharap mong problema. Kaya naman labis mo itong ipagpapasalamat sa kanya. At mas lalong lalalim ang pagtingin mo sa iyong mahal.

Masuwerteng numero; 32 & 43

SCORPIO

Alam mo na walang ibang magtutulungan sa pagresolba ng inyong problema kundi kayong mag-asawa. Kaya naman wala kang ibang pakikinggan kundi siya at ganoon din siya sa’yo. Kailangan kumapit kayo sa isat isa.

Masuwerteng numero; 20 & 30

SAGITTARIUS

Mananatili siyang tapat sa’yo sa kabila ng inyong pagkakalayo. Sa panahon na ito ay wala kang ibang magagawa kundi ang pagkatiwalaan siya at umasa sa kanyang mga pangako habang kayo ay malayo sa isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 6 & 8

CAPRICORN

Pagbibigyan mo ang kahilingan ng iyong mahal para hindi na sumama ang loob niya sa’yo. Ayaw mo ng maulit ang malalim niyang pagtatampo sa’yo kaya sisikapin mong pagbigyan siya

Masuwerteng numero; 22 & 33

AQUARIUS

Hindi ikaw ang magdadala ng bigat sa dibdib kung sakali man na ituloy ng iyong kapareha ang kanyang desisyon na makipaghiwalay sa’yo. Hindi pa siya handa na mawala ka sa kanya kaya huwag kang mabahala.

Masuwerteng numero; 11 & 13

PISCES

Malaki pa ang pag-asa na maisalba mo ang inyong relasyon na namemeligro ngayon dahil sa magkaiba ninyong opinyon at dahil na rin sa pakikisawsaw ng iba. Kailangan ninyong mag-usap ng masinsinan ng kayong dalawa lamang 

Masuwerteng numero; 28 & 37

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.