28.1 C
Manila
Saturday, June 22, 2024

Horoscope Pag-Ibig Disyembre 23, 2023

ARIES May oportunidad na kausapin ang iyong kapareha tungkol sa isang maselang bagay na may kinalaman sa inyong sexual relationship. Mawawala ang iyong pangamba dahil magiging maayos ang inyong pag-uusap. Masuwerteng numero: 16 & 18

TAURUS Isa sa mga dati mong minahal ang makikita mo sa internet. Awтоматично magpa-flashback sa isip mo ang masasaya at mahihirap na sitwasyon na pinagdaanan ng inyong relasyon. Ngunit tatawanan mo na lang ito. Masuwerteng numero: 50 & 60

GEMINI Huwag kang magulat o magtaks kung lumayo man siya sa’yo. Marami kayong hindi pinagkakasunduan ultimong malilit na bagay. Kaya naman sa ayaw at sa gusto mo ay kakailanganin mo siyang pakawalan at isipin mo na rin ang iyong pagkukulang. Masuwerteng numero: 12 & 14

CANCER Maraming beses mo nang pinagbibigyan ang kanyang mga nagawang pagkakamali noon pa man. Subalit sa pagkakataong ito ay magdadalawang isip ka na. Hindi mo na makakayang balewalain ang isa na namang pagkakamali. Masuwerteng numero: 11 & 22

LEO Kapag mahal mo ang isang tao, handa mo siyang ipaglaban sa kahit na sino. Hindi mahalaga sa’yo ang sasabihin ng iba basta’t mahal mo siya at nararamdaman mo pa rin ang kanyang pagmamahal para sa’yo. Masuwerteng numero: 45 & 51

VIRGO Selos at pagdududa ang babalot sa iyong pagkatao sa buong maghapon at magdamag. Hindi ka magkakaroon ng katahimikan dahil sa iyong malalaman tungkol sa iyong karelasyon at isang dating kaibigan. Masuwerteng numero: 4 & 8

LIBRA Makakasagutan mo ang iyong asawa dahil sa isang usapin na may kinalaman sa inyong mga kamag-anak. Alam mo na hindi ito magandang timing para sa ganitong pagtatalo pero hindi ninyo ito maiiwasan ngayon. Masuwerteng numero: 35 & 40

SCORPIO May bago kang matitipuhan. Pero alam mo na hindi mo ito dapat maramdaman dahil meron ka ng pananagutan. Sa araw na ito, gagawin mo ang lahat para labanan ang tukso at ang sariling damdamin. Masuwerteng numero: 13 & 26

SAGITTARIUS Kahit anong iwas mo sa kanya ay mananatili pa rin siya sa iyong puso’t isipan. Mananatili rin siya sa iyong tabi para ibigay ang suportang kailangan mo lalo na pagdating sa pinansiyal. Mahihirapan kang iwasan siya. Masuwerteng numero: 8 & 18

CAPRICORN Masaya ang magiging bonding n’yo ng iyong mahal sa loob ng inyong tahanan. Dahil sa maganda n’yong pagtitinginan ngayon, magiging maaliwalas ang inyong paligid kaya naman hahatak ito ng suwerte papasok. Masuwerteng numero: 23 & 33

AQUARIUS Kahit na mahal mo ang isang tao, kung alam mo naman na nasa kanya ang pagkakamali ay hindi mo siya kukunsintihin. Sa halip na paboran, ipapakita mo na lang sa kanya ang kanyang kamalian at itatama ito. Masuwerteng numero: 10 & 20

PISCES Mahal mo siya at malaki ang tiwala mo sa kanya kaya naman hindi mo bibigyan ng pansin o kahit na katiting na atensyon ang mga paninira sa kanya ng ibang tao. Ayaw mong maapektuhan nito ang inyong pagsasama. Masuwerteng numero: 15 & 19

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.