24.8 C
Manila
Friday, March 1, 2024

Online Horoscope Disyembre 23, 2023

ARIES (Marso 21 – April 19)
Ngayon ang araw na magiging isa sa pinakamaganda dahil magkakaroon na ng pasya ang nasa itaas. Ang hatol na ito ay nagdadala ng pag-asang matupad ang iyong mga pangarap, kaya’t maging handa sa pagtanggap nito, lalo na sa mga pagbabagong mangyayari. Mapalad ang dark green na kulay. Masuwerteng numero: 5, 18, 23, 28, 35, 45.

TAURUS (April 20 – Mayo 20)
Sa araw na ito, magtataglay ka ng espesyal na lakas at swerte. Kung mag-aalok ka ng tulong o magbibigay ng alok, malamang na hindi ito tatanggihan ng sino mang makakatanggap. At kahit kung sakaling may tumanggi, inaasahan mo na sila’y magdaranas ng masamang kapalaran, at ikaw naman ay magpapatuloy sa iyong masuwerteng paglalakbay. Mapalad ang black na kulay. Masuwerteng numero: 2, 18, 25, 35, 43, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)
Sa taong 2023, mas bumubuti pa ang iyong kapalaran, at unti-unti nang naglalaho ang mga lungkot at kabiguan sa iyong paligid. Ang mga negatibong puwersa ay unti-unting nawawala, at sa halip, mas maraming positibong pangyayari ang nag-aalaga sa iyong pag-ibig at salapi. Sa paglapit ng Chinese New Year, mas malaki ang inaasahan mong suwerte. Mapalad ang red na kulay. Masuwerteng numero: 1, 18, 24, 27, 37, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22)
Ang buwan na patuloy na bagong buwan sa kalangitan ay nagbibigay ng malakas na suwerte at gayuma sa iyo. Ipaabot mo ang iyong tulong o alok, at malamang na hindi ka tatanggihan ng sino mang makakatanggap. Kung sakaling may tumanggi, asahan mong magdaranas sila ng masamang kapalaran, at ikaw naman ay mananatiling maswerte sa buong taong ito ng 2023. Mapalad ang black na kulay. Masuwerteng numero: 2, 18, 25, 35, 43, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)
Dahil sa pagsapit ng Bagong Taon, ang araw na ito ay magdadala ng pagbabago sa lahat ng bagay. Ang iyong kapalaran ay unti-unti nang nagbabago, at ang pagtatapos ng gabi ay magsisilbing pagsikat ng bagong araw. Ang iyong buhay ngayon ay tinatawag na “panahon ng pagbabago at pagpapaganda!” Kaya’t pahalagahan ang pagkakataong ito para sa iyong sariling pag-unlad. Mapalad ang pink na kulay. Masuwerteng numero: 7, 16, 27, 34, 40, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22)
Sa taong ito ng 2023, ang iyong kapalaran ay tila kaaya-aya kahit na hindi mo ginalingan. Ang langit mismo ang nagbigay ng kanyang masusing pagmamasid, kaya’t asahan mo ang masasarap na pangyayari at malalaking suwerte na dadating sa iyong buhay. Mapalad ang apple green na kulay. Masuwerteng numero: 5, 10, 22, 37, 41, 45.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23)
Sa loob ng matagal na panahon, marami ang nagtitiis at naghihirap nang hindi nakakamit ang kanilang inaasam. Ngunit ang taong ito ng 2023 ay kakaiba para sa iyo, kung saan palaging pabor sa iyo ang magandang kapalaran sa anumang pangyayari sa iyong buhay. Hayaan mong mangha ang mga naiinggit, dahil maraming magandang pagbabago ang naghihintay para sa iyo. Mapalad ang orange na kulay. Masuwerteng numero: 7, 15, 25, 27, 33, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)
Namamangha at humahanga sa iyo ang nasa itaas, dahil ikaw na gipit ay nagagawa mo pang tumulong sa nangangailangan. Dahil dito, sa taong ito ng 2023 gagantimpalaan ka ng langit ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran at ito ay paparating na sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero: 8, 14, 25, 35, 41, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)
Hindi pa rin nagbabago ang iyong kapalaran kahit na nagbago na ang taon. Nasa todong lakas pa rin ang iyong suwerte. Magpapatuloy ito sa buong taon 2023, kaya samantalahin mo ang anumang magagandang pagkakataong darating. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero: 8, 19, 22, 32, 40, 44.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19)
Inaakala ng mga lihim mong kalaban na susuko ka na sa hamon ng buhay na iyong pinagdadaanan. Hindi nila alam na ngayon ka pa lang nagsisimulang lumakas at tumapang. Kapag tuluyan ng humulagpos ang iyong tapang at lakas ng loob, aangat ng paitaas ang gulong ng kapalaran. Mamamangha ang mga taong dati ng naiinggit sa iyo, ang taas-taas mo na habang sila ay lalo pang ibinababa ng kapalaran. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero: 8, 10, 13, 28, 34, 40.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18)
Ito ang panahon na dapat mo ng harapin ang bagong kabanata ng iyong buhay. Hindi ka isinilang upang malungkot, upang maghirap at upang utusan. Ito ang araw ng ligaya, ito ang araw ng pag-unlad at malapit na malapit na ring dumating ang araw na ikaw na ang mag-uutos at ikaw ay tiyak na susundin. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero: 9, 7, 11, 25, 36, 41.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)
Sa taong ito ng 2023, maniwala ka lang sa sarili mo at makikita mo ang buong taong ito ay magiging sa yo. Oo anuman ang gustuhin mo, tiyak na mapapa sa iyo at magkakatotoo. At basta’t patuloy ka lang na maniwala sa sarili mo, maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo. Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero: 2, 12, 18, 32, 40, 45.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.