26.1 C
Manila
Monday, July 22, 2024

Horoscope Pag-Ibig Disyembre 19, 2023

ARIES Kahit na hiwalay na kayo ngayon, patuloy ka paring umaasa na babalik ang inyong relasyon at magiging maayos kayo muli. Wala kang balak sumuko at asahan mong magkasama ulit kayo. Masuwerteng numero: 8-9

TAURUS Kahit alam mong hindi mo na siya dapat pang isipin at kumustahin, gagawin mo pa rin. Kahit magmukha ka nang pulubi sa pag-ibig, wala kang pakialam. Masuwerteng numero: 30-36

GEMINI Ang tukso na matagal nang umaalingawngaw sayo ay tila hindi mo muna matatakasan ngayon. Ang masaklap, ikaw pa mismo ang lalapit sa tukso kahit alam mong nakataya ang inyong relasyon dito. Masuwerteng numero: 11 & 17

CANCER Time to move on na, hindi ka na niya babalikan. Kahit anumang pakikiusap at pagmamakaawa mo sa kanya ay malabo nang mangyari. Masaya na siya sa iba, kaya’t dapat lamang na mag-move on ka na. Masuwerteng numero: 20 & 30

LEO Ngayon na tiyak munang hindi mo kayang mawala siya sa’yo, desidido ka nang ipaglalaban kung ano ang para sa’yo. Hindi mo hahayaang agawin ng iba ang iyong mahal kahit ano pa ang mangyari. Masuwerteng numero: 24 & 28

VIRGO Kahit sobrang tigas ng ulo ng iyong karelasyon at hindi mo pa rin siya kayang iwanan, labis ang pagmamahal mo sa kanya kaya’t handa kang magtiis. Masuwerteng numero: 32 & 34

LIBRA Mapupuno ng paglalambingan ninyo ang araw na ito. Lalo pang titibay ang pagmamahal ninyo sa isa’t isa. Kahit may mga pagsubok na darating, alam mong kaya ninyong harapin ito. Masuwerteng numero: 16 & 21

SCORPIO Mararamdaman mo ngayon ang kawalan ng interes sa’yo ng iyong kapareha. Alam mong darating ang araw na ito dahil sa iyong angkan. Masuwerteng numero: 18 & 23

SAGITTARIUS Sa kabila ng kagandahan, malakas na karisma, at katalinuhan, at iba pang espesyal na katangian mo, hindi mo pa rin makukuha ang kanyang atensyon. Nakatuon siya ngayon sa kanyang mga pinagkakaabalahan. Masuwerteng numero: 17 & 23

CAPRICORN Sa dami ng taong nakikisawsaw sa inyong mga problema, tila mas lalong lumala ito. Dahil na rin sa mga sulsol ng ibang tao. Masuwerteng numero: 15 & 16

AQUARIUS Hindi mo dadaanin sa drama ang iyong kabiyak upang ibigay niya sayo ang iyong kahilingan. Kung ibibigay ito, ito ay dahil gusto niya at hindi lamang dahil napipilitan siya sa iyong drama. Masuwerteng numero: 33 & 37

PISCES Dahil sa nagawang kamalian, tila hindi mo kayang harapin ngayon ang iyong karelasyon. Ngunit alam mo din naman na kailangan mo siyang kausapin ukol dito. Masuwerteng numero: 12 & 20

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.