24.8 C
Manila
Friday, March 1, 2024

Horoscope Pag-Ibig Disyembre 15, 2023

ARIES Ang pag-ibig na matagal mo nang hinihintay ay dadating na sa’yong puso. Siguradong ikaw ay matutuwa dahil siya ang kabuuang hinahanap mo sa isang lalaki. Maghintay ka lang, at malapit na siya. Maiwasan rin ang palaging pagkakakulong sa isang maliit na lugar upang hindi makasagabal sa inyong pagkikita. (Suwerteng numero 8, 11, 15)

TAURUS Kung mahal mo siya, huwag masyadong itaas ang iyong pride. Mas maganda kung palaging nagkakasundo kayo. Kaya kung may problema, pag-usapan agad ito. Lagi mo rin siyang bigyan ng tamis na ngiti upang maging masaya ang inyong pagsasama. (Suwerteng numero 5, 11, 20)

GEMINI Buksan ang iyong puso sa tamang tao. Huwag hayaang maloko ka ng sino man. Kilalanin ng mabuti ang bawat tao na iyong pinagkakatiwalaan. Ingat dahil maraming mapagpanggap. (Suwerteng Numero 2, 12, 24)

CANCER Wala kang magagawa kundi yakapin ang sitwasyon na iyong kinakaharap ngayon. Kung may panganib na naghihintay, umiwas at humanap ng solusyon. Pagkatapos ng mga paghihirap, magiging masaya rin ang iyong puso. Kaya, magrelax ka lang. (Suwerteng Numero 4, 16, 19)

LEO Ang kanyang pag-ibig ang magbibigay lakas sa iyo upang malampasan ang bawat pagsubok. Dahil sa totoong pagmamahal niya, hindi ka niya iiwan. Maging laging masaya para mas mapalad ang inyong mga puso. (Suwerteng Numero 6, 14, 18)

VIRGO Huwag mong ihambing ang iyong kasalukuyan sa iyong nakaraan. Silang dalawa ay magkaibang tao. Kung lagi mong ihahambing ang dalawa, baka isipin mo pa rin na mahal mo ang iyong ex. Mag-ingat; baka bigla ka na lang iiwan ng iyong totoong minamahal. (Suwerteng Numero 5, 14, 38)

LIBRA Kung matagal nang tumigil sa pagpapakita ng malasakit, mag-ingat ka. Baka may iba na siyang pinaglaanan ng kanyang pagmamahal. Masakit, pero kailangan mong tanggapin ang katotohanan. (Suwerteng Numero 4, 12, 18)

SCORPION Sa mga naghihintay pa ng pag-ibig, tiyaga lang. Ang inyong kaligayahan ay darating na. Malapit na, ngunit hindi pa alam kung anong buwan. Tiwala lang sa kapangyarihan ng pag-ibig. (Suwerteng Numero 13, 17, 29)

SAGITTARIUS Para magkaroon kayo ng mga masasayang sandali, magbakasyon kayo at pansamantalang iwanan ang trabaho at mga problema. Iyan ang paraan para hindi mawala ang pag-ibig sa inyong buhay. (Suwerteng Numero 5, 15, 25)

CAPRICORN Ikaw ang unang kumilos upang matupad ang nais ninyong mangyari sa inyong relasyon. Walang mangyayari kung palagi kayong naghihintay. Hindi rin niya alam kung ano ang dapat gawin. (Suwerteng Numero 4, 10, 16)

AQUARIUS Maging maalam sa damdamin ng iyong kasintahan. Dapat ikaw ang maging tagapagtanggol niya. Huwag mong hayaang maging kasangkapan ka para pagtawanan siya ng iba. Mag-ingat ka, baka matapos ang inyong relasyon. (Suwerteng Numero 15, 23, 33)

PISCES Maging matapang sa harap ng mga pagsubok. Hindi palaging ikaw ay luluha. Darating ang panahon na maging masaya ka. Maging matatag, hindi lamang para sa iyo kundi pati na rin sa iyong minamahal. (Suwerteng Numero 9, 11, 16)

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.