26.9 C
Manila
Friday, February 23, 2024

Horoscope Pag-Ibig Disyembre 10, 2023

ARIES: Mas magkakaroon ka ng kapanatagan ngayon kaysa sa mga nakaraan. Ang dala ng simoy ng hangin ngayon ay nagpapahiwatig ng isang panalo. Ang taong nais mong mapapasaiyo ay magtatapat ng kanyang damdamin ngayon. Isa itong sorpresa dahil noong nakaraan ay halos ayaw ka niyang sulyapan. Masuwerteng numero 7 & 18

TAURUS: Sa wakas, makukuha mo din ang atensyon ng isang kasama sa trabaho na matagal nang lihim na hinahangaan. Ito ang panahon na hindi ka lamang mapapakindat sa galing niyang manamit, lalapitan at kakausapin ka pa niya, kaya naman mapupuno ng kilig ang iyong buong araw. Masuwerteng numero 15 & 18

GEMINI: Kung kayo ng iyong partner ay puro bangayan ang nangyayari noong nakaraan, mas maari itong lumala ngayon. Kaya naman pag-usapan ang dapat pag-usapan at ayusin ang dapat ayusin bago mauwi ang lahat sa hiwalayan. Masuwerteng numero: 46 & 54

CANCER: Ang enerhiya ng araw ay maaaring magdala para sa isang tiyak na relasyon, sa wakas magiging maayos ang hindi pagkakaunawan. Masuwerteng numero: 10 & 49

LEO: Kung ang iyong kapareha na parang nagiging isang batang spoiled, ito ay maaaring dahil sa enerhiya ng araw ngayon. Kahit na hindi ito nagiging maganda para sayo, wag mag-alala, ito ay agad ding lilipas at babalik sa normal ang lahat. Masuwerteng numero 30 & 51

VIRGO: Ngayon ay kailangan mong manatiling kalmado kung talagang nais mong masabi ang lahat ng nilalaman ng iyong puso at isipan, lalo na kung ikaw ay upset sa iyong kapareha. Kailangan mong maging mahinaon tungkol dito at pag-usapan ang iyong damdamin upang pareho ninyong maunawaan ang isat-isa. Masuwerteng numero 4 & 5

LIBRA: Ang Pag-iibigan ay nagsasabi na kailangan mong maging magpasensya ngayon. May ilang mga hindi pagkakaunawaan ang maaring mangyari at kailangan mong pakinggan ang kanyang panig. Iwasan ang magsalita ng hindi maganda, sa halip ay unawain siya upang hindi na ito lumala pa. Masuwerteng numero 24 & 25

SCORPIO: Ikaw at ang iyong kapareha ay maaaring malagay sa isang mahirap na desisyon ngayon tungkol sa trabaho o negosyo. Kailangan ninyong manatiling matatag, kisa parehong maging mapagmataas at alamin ninyo ang dapat gawin upang agad itong maaayos. Masuwerteng numero 22 & 28

SAGITTARIUS: Maaaring maging irritable ang araw na ito. Ang tamang mga ideya ay hindi papasok sa iyong isipan ngayon. Kaya naman magiging mainit ang iyong ulo sa buong maghapon. Salamat sa iyong mahal na laging nariyan upang ikaw ay damayan. Masuwerteng numero: 15 & 32

CAPRICORN: Maging maingat ka ngayon na hindi ka makapag-inis ng sinuman sa iyong paligid, kahit pa ang iyong mahal. Iwasan ang mga salitang hindi maganda, sa halip ay ituon ang sarili sa pagluluto ng masarap para pagsaluhan ninyong dalawa. Masuwerteng numero: 7 & 14

AQUARIUS: Sa wakas, mararanasan mo ulit ang mga positibong takbo. Paukol sa isang taong matagal nang pinapangarap. Makikita mo ang unti-unti paglalapit ng kanyang kalooban sa iyo. Kaya naman labis mo itong ikakatuwa. Masuwerteng numero: 34 & 48

PISCES: Ang araw na ito ay hindi magiging maganda para sa iyo, maging mainit ang ulo mo sa buong maghapon dahil sa labis na inis sa iyong kapareha na tila walang pakialam. Ngunit ito ay itatago mo lang sa iyong sarili at patuloy siyang pagsisilbihan na may ngiti sa labi. Masuwerteng numero 25 & 35

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.