26.5 C
Manila
Thursday, February 29, 2024

Online Horoscope Disyembre 10, 2023

ARIES- Ingatan mong maramdaman ng kapwa mo na alam mo ang kanilang mga kahinaan kaya hindi sila makaabante sa buhay. Hindi lahat ng katotohanan ay  kailangan pang sabihin.

Masuwerteng kulay- Biege. Tips sa lotto; 16-29-20-21-24-35.

TAURUS– Samantalahin mo ang mga araw sa ngayon na kung kailan  ay pwedeng lumabo at puwedeng maubos ang laman ng iyong bulsa. Huwag kang  sumunod sa payo na ang  tao ay dapat na nakukuntento. Ibig sabihin, habang dumarating ang magagadang oportunidad, magipon ka ng mag-ipon at magpundar. Masuwerteng kulay-Blue. Tips sa lotto; 11-15-17-22-24-32.

GEMINI- Magbubukas pa ang maraming oportunidad na sa biglang tingin ay magdaragdag sa iyong  yaman. Hindi ipinapayo na magbago o magpalit ka ng kasalukuyang pinagkakakitaan.

Masuwerteng kulay-Black. Tips sa lotto; 19-25-27-30-36-38.

CANCER– Kaya naglalapitan ang  magagandang  pagkakataon dahil ang gusto ng langit ay maiba ang iyong  pananaw. Gaganda ang buhay kapag pangkabuhayan ang iyong  tinutukan.

Masuwerteng kulay-Violet. Tips sa lotto; 18-22-24-28-30-34.

LEO– Kapag alam mo na nasa taas ka o angat ka, bumaba ka. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran ng sa ganun ay magtuloy-tuloy na hindi nahihinto ang dating sa iyo ng mga suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-Peach Tips sa lotto; 15-17-22-25-28-33.

VIRGO– Iwan na iwan mo ang nasa paligid mo sa dami ng iyong mga kaalaman. Pwede ka nilang iwan ng milya-milya dahil sa mas kumukilos sila. Pero ‘pag Ikaw ang kumilos, tiyak ikaw ang mananalo.

Masuwerteng kulay-Red. Tips sa lotto; 02-09-23-23-37-42.

LIBRA- Marami  pang magagandang bagay ang pwedeng mapasaiyo. Tiwala lang sa sarili ang kailangan mo kaya hindi dapat na makasingit kahit kailan ng pag-aalinlangan.

Masuwerteng kulay-Lilac. Tips sa lotto; 11-15-24-25-39-40.

SCORPIO– Hawak mo ang kapalaran mo sa ngayon. Kung ano ang  gusto mo gawin mo. Hindi  pwedeng  wala kang gagawing anuman dahil wala ring mangyayari sa  buhay mo.

Masuwerteng kulay-White. Tips sa lotto; 14-17-27-29-33-34.

SAGITTARIUS– Talo mo ang lahat ng kakumpitensya mo at ang lahat ng mga karibal mo pero pwede ka nilang  masingitan kung hindi ka makikipaglaban..Wag atrasan ang mga hamon ng kapalaran. Masuwerteng kulay-Green. Tips sa lotto; 10-13-15-28-31-42.

CAPRICORN– Hindi ka  dapat na masiyahan sa gumagandang takbo ng mga pangyayari. Ang  kasiyahan ay dapat na madama pagkatapos na makuha ang mga pinapangarap.

Masuwerteng kulay- Yellow. Tips sa lotto; 20-25-26-29-30-36.

AQUARIUS- Nagdadatingan ang mga makikislap na senyales na  para sa iyong magandang kinabukasan. Magpalakas ka, ang ibig sabihin ay ibasura mo ang iyong  mga kahinaan.

Masuwerteng kulay-Purple. Tips sa lotto;  18-20-21-27-30-33.

PISCES- Nililinis ng iyong kapalaran ang  mga banta na sisira sa iyong mga pangarap. Hindi mo man maunawaan, kailangang tanggapin mo ng maluwag sa loob mo na para sa iyo ang lahat ng ito. Masuwerteng kulay-Pink. Tips sa lotto; 19-22-25-28-38-39.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.