27.3 C
Manila
Sunday, June 16, 2024

Online Horoscope Setyembre 3, 2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Naglalaho ang mahihina, pero ikaw ay matatagpuang panalo sa bawat laban, lalo na ngayon. Ang araw na ito ay nagsasabing ang panalo ay kakambal mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-11-18-20-28-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Huwag mong sabayan ang galit ng galit. Tinatalo ang galit ng mahinahon at mapagkumbaba. Marami na ang nakaranas ng pagkatalo dahil nanaig ang kahinahunan kaysa sa galit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-16-19-20-23-28.

GEMINI (May 21-June 20) – Kumilos ka nang kumilos, ‘wag kang manatili sa isang puwesto. Magugulat at mamamangha ka na kapag kilos nang kilos, makukuha mo ang iyong gusto. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-24-28-30-34-38-42.

CANCER (June 21-July 22) – Ikaw lang ang nag-iisip ng hindi maganda. Madalas ay dinadaya ng tao ang kanyang sarili at naniniwala sa kanyang isip na ang katotohanan ay kabaliktaran. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-17-21-32-38-39-41.

LEO (July 23-Aug. 22) – Humanga sa iyo ang langit dahil sa kabaitang ipinakita mo sa gumawa sa iyo ng hindi maganda. Dahil dito, ang premyo ay sunud-sunod na suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-11-18-27-36-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Ito ang araw na ginawa para sa iyo. Anuman ang isipin at hilingin mo sa langit, tiyak na ipagkakaloob sa iyo. Subukan mo, humiling ka na ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-21-27-30-33-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Kikilos ang langit na parang labag sa gusto mo. Pero dahil ito ang makakabuti para sa iyo, ito ang mangyayari kahit ayaw mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-20-24-26-36-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Mag-uumapaw ang saya mo dahil ang kapalit ng problema ay sobra-sobrang tulong. Magpasalamat ka sa langit sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa mga kilala mo na nangangailangan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-15-27-30-31-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Kakaangat mo lang, ngunit muli kang aangat dahil sa napakagandang ipinakikita mo. Iwasan mong lumabis ang tiwala mo sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-17-25-29-35-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Ang mabibigat na problemang pinagdaanan mo ay nagiging biyaya. Ganito ulit ang mangyayari, kung saan habang problemado ka, mas maraming magagandang kapalaran ang darating. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-14-17-32-37.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Surpresa ang salitang katumbas ng iyong kapalaran. Muli, magugulat ka dahil ang mga naghahangad na ikaw ay mabigo ang daranas nito, habang ikaw ay patuloy na pagpapalain ng langit. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-20-22-28-34-38-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Muli, bibiruin ka ng kapalaran. Aakalain mong minamalas ka, pero ang mga kagustuhan mo ay isa-isang mangyayari at malulubos ang iyong kagalakan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-16-28-35-39-42.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.