30.4 C
Manila
Thursday, February 22, 2024

Online Horoscope Pebrero 9, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Kakaibang kapangyarihan ang papaloob sa iyong pagkatao sa araw na ito. Ito ang araw na ang mga imposibleng bagay ay posible na at ang mga dating inaakala mong mahihirap na pangyayari at mahirap gawin ay padadaliin na ng langit. Wala ka ng idadahilan ngayon, upang hindi ka kumilos at tumapos sa iyong mga ginagawa.  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 6, 9, 18, 33, 42, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Nasusulat sa aklat ng iyong kapalaran na kailagan mo ang pagbabago. Sa anumang pagbabagong gagawin, wag kang matakot, dahil pangungunahan ka ng nasa itaas. May isang kundisyon lang, hindi ka dapat magdadalawang isip. Kapag wala na ang pagdadalawang isip, tuloy-tuloy mo ng makamit ang suwertehin at magandang kapalaran.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 5, 14, 22, 34, 42, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Ito ang araw na nasa todong lakas ang iyong tapang. Kaya hindi ka dapat matakot. Anumang maisip mo na puwedeng gawin upang umunlad ang kabuhayan gawin mo agad, hindi ka mabibigo, dahil  kakampi mo ang langit.  Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 7, 13, 28, 35, 43, 40.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) ) Ito ang araw na kapag pinahalagahan mo ang munting tulong gagawin sa iyo, malalaking biyayaya ang darapo sa kapalaran mo. Kaya nga magpasalamat ka sa anumang kabutihang gagawin sa iyo, upang lalo ka pang padalan ng langit ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  1, 10,  19, 27,  33, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Maiinis ka sa mga pangyayari. Ngunit sa maniwala ka o sa hindi, ang iyong pagkainis ay mapapalitan ng tuwa, dahil sa likod ng iyong pagkayamot, nagkukubli ang malaking suwerte at magagandang kapalaran agad-agad na ring darating.  Mapalad na kulay ang old roset.  Masuwerteng numero 3, 7, 20, 29, 37, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Dahil sa mahusay mong kapapayo at pagbibigay ng advice maraming nakikinabang at maraming naniniwala sa mga sinasabi mo. Pero may kakaibang mangyayari na halos hindi mo rin maunawaan, may isang taong sobrang mapapalapit sa iyo ng puso. Poproblemahin mo siya kung paano mo tatanggihan. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero   5, 13, 19,  29,  37, 42.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Susubukin ka ng kapalaran sa araw na ito. Humingi ka at ipagkakaloob sa iyo. Ngunit anumang bagay ang ipagkaloob sa iyo, kailangang i-share o ibahagi mo ito sa iba. Kapag nagawa mong magbahagi ng suwerte sa ibang tao, parang langgam sa asukal, lalapitan ka ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 3, 12, 24, 27, 34, 41

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) ‘Wag mo ng habulin at isipin pa ang nakaraan. Baka ang mangyari ay malibang ka at mabuhay  sa nakaraan. Kapag nagkaganyan ka ang iyong hinaharap ay malalagay sa alanganin. Alisin mo na sa iyong isipan ang nakaraan at magsimula ka ng bagong-bagong buhay ngayon. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero  2, 11,  25, 34, 40, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Wag kang papatangay sa kagustuhan ng iba. Mas maganda kung ang gusto mo ang masunod. Hindi ka tautauhan at hindi ka rin tangayin. Kaya muli wag na wag kang magpapatangay upang mapanatili mo ang suwerte at magandang kapalarang dati ng nasa sa iyo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 6, 18, 21, 25, 36, 45.  

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) May nagsisimula sa tuwing may natatapos. Ito ang natural na batas sa mundong ito. Ganon din ang mangyayari sa iyong kapalaran ngayon, matatapos na  ang mga kamalasan at negatibong pangyayari, upang sa susunod na mga araw, ang papalit naman dito ay suwerte na at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 2, 16, 19, 28, 34, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Wag kang papatangay sa kagustuhan ng iba. Mas maganda kung ang gusto mo ang masunod. Hindi ka tautauhan at hindi ka rin tangayin. Kaya muli wag na wag kang magpapatangay upang mapanatili mo ang suwerte at magandang kapalarang dati ng nasa sa iyo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 6, 18, 21, 25, 36, 45.  

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ito ang araw na mismong ang langit, ang mag-aalis ng mga sagabal sa iyong dinadaanan,  kaya madali mo na ngayong maaabot at mararating ang iyong mga pangarap. Lagi kang magpasalamat, dahil lumalabas na pinapaboran ka na naman ng nasa itaas. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  9, 18, 21, 27, 35, 42.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.