30.4 C
Manila
Thursday, February 22, 2024

Online Horoscope Pebrero 8, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Bumubuka ang mga bulaklak kapag sakto na sa panahon, upang magsaboy ng bango. Ganon din ang iyong kapalaran, sakto na sa panahon. Kaya bubuka na ang mga suwerte at magagandang kapalaran na  isa-isa mo ng aanihin at pipitasin ngayon. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  5, 13, 25, 31, 39, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Minsan ang pakiramdam ng maligaya ay nagbubunga ng katamaran. ‘Wag mong hayaan na maging ganon ka dahil may mga trabaho na naghihintay sa iyo. Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 6, 12, 18, 32, 42, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Kung ano ang bago iyong ang pipiliin mo. Kaya sa pamimili ng kahit anupamang bagay, makikitang sa loob ng bahay nyo, puro bago ang mga gamit mo. Ganon din hindi puwedeng ipagpilitan sa iyo ang mga lumang pormula ng tagumpay, sapagkat sa bagong mga pamamaraan ikaw lalong lumiligaya at umaasenso. Mapalad ang kulay na apple green. Masuwerteng numero 6, 16, 24, 37, 42, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hindi ka puwedeng matagal na nahihirapan at namumroblema. Hindi papayag ang nasa itaas ng ganon. Kaya magpapadala ang langit ng sugo upang pagaangin ang iyong buhay.  Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  7, 11,  24, 27,  37, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Sa dami ng iniisip mo para sa kinabukasan nagugulo tuloy ang iyong diskarte. Bahagyang pagre-relaks ang kailangan. Kapag nagawa mo yan, muling dadaloy ang kasiglahan na ang ibig sabihin nito ay magdaratingan uli ang suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 8, 14, 25, 31, 37, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kahit na papalamig na ng papalamig ang panahon. At nakakatamad ang pakiramdam, hindi ka dapat masobrahan ng pamamahinga. Kaya ang payo, upang suwertehin ka, ikilos mo ang katawan mo. Puwedeng linisin mo ang buong bahay at puwede ring tutukan mo ang mga halaman sa hardin. Habang sinisipag ka, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 9, 17, 21, 25, 36, 41.  

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23)  Wala sa sukat o halaga ang pagtulong, ganon din naman sa pagbibigay, ang mahalaga ay ang intensyon. Pero ang sa ‘yo ay kakaiba, mamigay ka man o hindi, bibigyan ka ng langit ng malaking suwerte dahil noon pa ang pangalan mo ay nakalista sa talaan ng mga pagkakalooban ng biyaya sa buong taong ito ng 2024.  Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero  5, 18,  27, 34, 41, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Pigilin mo ang pagasta. Hindi tama ang kinakatuwiran mo na maliit at mura lang ang halaga. Pansinin mo sa kagagasta mo, imbis na dumami ang iyong savings, nalalagas at nauubos din ang iyong ipon. Mag-ipon ka pa ng mag-ipon para lalo kang suwertehin at yumaman ng hindi lang mayaman, kundi ng napakayaman talaga. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 1, 13, 28, 35, 43, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Bihirang matupad ang pangako ng mga tao pero ang pangako ng langit ay matutupad. Ang pangako ng langit sa iyong kapalaran ay tuloy-tuloy kang susuwertehin sa kahit anumang bagay ang ginagawa at pinagkakaabalahan mo sa ngayon.  Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero   1, 10, 19,  29,  38, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) ) Tama ang ginagawa mong pag-kontrol sa iyong damdamin upang sa ganon ay hindi ka gaanong masaktan. Sa sandaling na kontrol mo ang iyong damdamin, mag-uuna-unahan ng dumating ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang  gold. Masuwerteng numero 4, 16, 19, 28, 34, 40.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Hindi mapapa sa iyo ang inaasahan mo, pero ang ibibigay sa iyo ay higit sa inaasahan mo. Ang mahalaga, hindi ka dapat mainip. Tandaang ang marunong maghihintay ay lagi ng nagkakamit ng mas maraming mga biyaya at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 7, 14, 16, 25, 29, 41.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi pa dumarating ang iyong kaarawan pero nakahanda na ang regalo mo mula sa nasa itaas. Sa sandaling natanggap mo na, hindi mo ito dapat na sarilinin. Ipamahagi mo ito sa iba lalo na sa mga kakilala mong walang-wala. Kapag nagawa mo yan, lalong darami ang mga biyaya at pagpapala na iyong matatanggap. Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero  6, 18, 23, 27, 35, 45.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.