27.8 C
Manila
Tuesday, September 10, 2024

GAANO KADALAS TAYO NANANAGINIP

Maaaring magulat kang matuklasan ang eksaktong dami ng iyong panaginip habang ikaw ay tulog.

Ang panaginip ay maaaring sikretong bintana sa ating mga damdamin, umaaktong inspirasyon para sa malikhaing proyekto, at maaaring makatulong sa iyo na maresolbahan ang mga problema. Kung natatandaan man ang iyong mga panaginip o walang naaalala, basahin upang malaman kung gaanong kadami ang iyong aktuwal na panaginip na nararanasan sa isang gabi.

Gaano kadami ang iyong panaginip sa bawat gabi

Sa dahilang hindi mo natatandaan na nanaginipka ay hindi ibig sabihin na hindi mo ito ginagawa! Sa pangkalahatan ay nananaginip ang tao nang apat hanggang anim na beses kada gabi, karaniwan ay sa pinaka-aktibong REM stage of sleep kung ikaw ay higit sa 10 taon. (Ang mga batang mas bata sa 10 taon ay nananaginip lamang ng 20 porsiyento sa panahon ng REM sleep). Karaniwang nananaginip nang mas mahaba habang tumatakbo ang gabi dahil ang REM stage of sleep ay maaaring sa pagitan mula limang minuto sa mga unang sandal ng gabi hjanggang sa habang 34 na minuto patungo sa katapusan ng iyong haba ng pagtulog. Kaya kung natulog ng halimbawa ay kabuuang walong oras kada gabi, ang dalawa rito ay maaaring ginugugol sa pananaginip.

Bakit mo nakakalimutan ang iyong panaginip

Maaaring isipin na hindi ka madalas managinip dahil karamihan sa atin ay nakalilimutan ang 95 to 99 percent ng ating mga panaginip. Kung bakit hindi natatandaan ang karamihan sa iyong mga panaginip ay nananatiling misteryo, subalit ang isang teorya ay hindi ka nagko-concentrate sa mga ito habang ikaw ay natutulog. (Ang mga taong iniisip na ang panaginip ay mahalaga at mas interesado sa mga ito ay may tendensiyang maalala ang mga panaginip – sa dahilang may motibasyon silang bigyang ng atensyon ang kanilang panaginip). Ang isa pang teorya an gating kakulangan ng pag-alala ay dahil na rin sa hormone na iniuugnay sa memorya (norepinephrine) na nakaturned off habang tayo ay natutulog, kaya ang ating utak ay hindi nae-encode ang mga panaginip sa gabi na maging memorya.

Paano mas matatandaan ang iyong panaginip

Ang trick upang mapanatili ang iyong panaginip mula sa paglisan nito sa iyong isipan sa iyong paggising ay simpleng sabihin sa sarili na nais mong maalala ang iyong panaginip habang ikaw ay natutulog. Maglagay ng dream journal sa iyong higaan upang maisulat ang lahat ng iyong naaalala tungkol sa iyong panaginip sa sandaling magising –bago pa ang mga isipan sa araw na iyon ay magpagulo sa iyong isipan. Isulat ang lahat (kahit na naaalala mo lamang ay malalabong imahe o pangyayari sa iyong panaginip) upang mahasa ang iyong isip na mas matandaan sila sa hinaharap.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.