26.7 C
Manila
Monday, July 15, 2024

Online Horoscope Nobyembre 13, 2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Bubuksan mo ang iyong puso para sa bagong pag-ibig, ngunit hindi dahil nakabukas ang puso ay papapasukin mo na ang mga maling pakikipagrelasyon. Masuwerteng kulay: beige. Tips sa lotto: 5-19-20-22-27-30.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Sinumang magtangkang gawan ka ng masama ay mapapahamak dahil mismong langit ang kikilos para ipagtanggol ka. Huwag mong kalimutang magpasalamat sa itaas. Masuwerteng kulay: blue. Tips sa lotto: 18-23-35-39-40-41.

GEMINI (May 21-June 20) – Talagang napapakinabangan mo ang iyong bilis, pero ngayon, iwasan mong maging mabilis sa pagpapasya lalo na sa larangan ng pakikipagrelasyon. Masuwerteng kulay: black. Tips sa lotto: 3-11-16-21-25-39.

CANCER (June 21-July 22) – Ngayon ang pagkakataon para makatakas sa pangit na sitwasyon. Ito rin ang regalo sa iyo upang magkaroon ka ng kaginhawahan. Masuwerteng kulay: violet. Tips sa lotto: 2-19-29-30-31-32.

LEO (July 23-Aug. 22) – Kumapit ka sa mga aral na mula sa matatanda. Totoo na hindi na napapanahon ang kanilang mga pinaniniwalaan, pero minsan, sila ang tama. Masuwerteng kulay: peach. Tips sa lotto: 5-17-28-33-36-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Hindi puwedeng sundin mo ang sinasabi ng iyong isip dahil ang kaligayahan ay bunga ng damdamin at hindi ng isipan. Masuwerteng kulay: red. Tips sa lotto: 7-18-20-24-27-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Ito ang araw na ibabalik sa iyo ng langit ang pagkakataong gumanda ang kapalaran na pinalagpas mo dahil nalibang ka sa pakikipagrelasyon. Masuwerteng kulay: lilac. Tips sa lotto: 8-19-24-29-35-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Bakit mo papansinin ang opinyon ng iba? Hindi sila mahalaga dahil ang importante ay ang personal mong kaligayahan. Kaya ‘wag mong hayaan na maapektuhan ka nila. Masuwerteng kulay: white. Tips sa lotto: 6-8-20-21-29-31.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Kung ano ka ngayon, ‘yun ang iyong ipakita. Huwag kang tumulad sa mga mahiyain na pilit ikinukubli ang magagandang katangian nila. Ito ang susi mo sa tagumpay. Masuwerteng kulay: green. Tips sa lotto: 2-11-18-20-24-28.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Kabilang ka sa makikinabang sa mga biyaya at pagpapala na ihuhulog ng langit sa araw na ito. Ang anumang mapupulot mo na ‘di mo kailangan ay ibigay mo sa mga kapus-palad. Masuwerteng kulay: yellow. Tips sa lotto: 1-10-14-17-28-30.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Gugulo ang buhay mo kapag higit sa isa ang gusto mo. Piliin lang ang iyong kamukha, kaugali, at kaparehas ng hilig. Siya ang magpapaligaya sa iyo nang husto hanggang dulo. Masuwerteng kulay: purple. Tips sa lotto: 8-24-26-33-40-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Huwag mong kakalimutan na sa araw na ito, dapat ay masaya kayo ng kasintahan mo upang ang suwerte ay magsilapit sa iyo. Masuwerteng kulay: pink. Tips sa lotto: 20-21-29-32-36-41.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.