35.3 C
Manila
Tuesday, May 21, 2024

Online Horoscope Mayo 17, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) May imposible sa tao, pero sa tadhana walang imposible. Yong mga biyayang akala mo ay imposibleng dumating, kusa at isa-isa ng ipagkakaloob sa iyo ng langit.Mapalad ang kulay na white.  Masuwerteng numero 7, 16, 26, 25, 29, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Magpasya ka! Hindi puwedeng hindi ka magdedesisyon. Sapagkat sa bawat pagdedesisyon mong gagawin hindi lang tama ang iyong magiging pasya, may kakambal din itong nakatagong regalo mula sa langit.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 5, 14, 28, 38, 41, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hindi lang sakit ang nakakahawa. Pati na rin ang suwerte. Maglalapit ka sa mga taong nasa paligid mo na alam mong sinusuwerte. Darating ang araw, mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang mapapa sa iyo kaysa sa kanila. Mapalad na kulay ang lavander. Masuwerteng numero 6, 11, 19, 25, 36, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) May mga pag-aalinlangan ka sa pag-ibig. Hindi ka masisisi dahil nabigo ka na minsan. Pero ang minsang kabiguan sa malapit na hinaharap ay mapapalitan na ng bonggang-bonggang tagumpay at kaligayahan. Mapalad ang kulay na violet.  Masuwerteng numero 5, 14, 23, 28, 37, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Makiayon ka sa agos ng buhay. Ang mga komokontra ay kinaiinisan at hindi sinasang-ayunan ng tadhana. Panahon na upang ikaw ay makiisa sa halip na kumontra upang dagdag na biyaya at mga pagpapala ang iyong matangggap. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 3, 9, 18, 27, 33, 39.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22)  Wag mong tanggihan ang mga katungkulan at gawaing inatang sa iyong balikat. Ang lahat ng iyon ay pinagkaloob sa iyo ng tadhana, upang bukas-makalawa ay  ibigay naman sa iyo ng langit ang iyong premyo – liglig-siksik, umaapaw na  mga biyaya. Mapalad na kulay ang peach. Masuwerteng numero 7, 8, 25, 37, 41, 40.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Buksan mo ang iyong isipan. Kapag hindi ka nakinig sa iba, maaaring mapahamak ka na naman. Sa pakikinig sa opinyon ng mga taong mahal mo at sa mga taong pinagkakatiwalaan mo, mas lalong lalago at gaganda ang kapalaran. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 2, 11, 25, 31, 41, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)   Mababawasan ang prolema ng isang lalapit sa iyo kung tutulungan mo. At sa sandaling tulungan mo siya, mawawala na ring isa-isa ang iyong mga problema at angmabuting balita, may dagdag pang mga biyaya para sa iyo. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 6, 18, 24, 36, 39, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Malalagpasan mo ang mabibigat na mga problema. Dahil magdaratingan na ang mga kakampi mo, sila ang mga taong tutulong sa iyo na may dala-dalang ibat-ibang uri ng suwerte at mga biyaya. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 2, 8, 10, 25, 29, 38, 43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19)  Magsimula kang muli! Makakaahon ka na sa dating lungkot at kabiguan. Ang mga lesson sa buhay noong nakaraan ay matibay na sandata ngayon upang bulto-bultong  biyaya na ang mapa sa iyo. Mapalad na kulay ang golden silver. Masuwerteng numero 1, 4, 28, 29, 37, 41.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Wag mong isara ang pintuan ng iyong puso sa isang tao na hindi mo gusto. Kahit hindi mo siya gusto, gugustuhin ka niya at habang ginugusto ka ng mga taong hindi mo gusto, maraming mga biyaya mula sa langit ang mapapa sa iyo. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 7, 12, 27, 33, 41, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Patunayan mo ngayon na matatag ka at matibay, upang mapahiya ang mga taong nagbibigay sa iyo ng problema. Habang tumatapang ka at tumitibay, mas maraming biyaya ang ibubuhos sa iyo ng langit. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 8, 19, 22, 34, 37, 40.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.