26.8 C
Manila
Friday, July 26, 2024

Online Horoscope Enero 25, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ikaw ang panginoon ng iyong buhay. Gawin mo ang gusto mong gawin dahil sa totoo lang hindi ka naman maaawat lalo na buo ang loob mo. Habang lagi ng buo ang iyong loob, ang magandang kapalaran at suwerte ay lagi ng papabor sa ‘yo. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 9, 18, 27, 33, 42, 45. 

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Hindi magkakaunawaan ang mga kumakalaban sa ‘yo. Dahil sa nakikita nilang pag-unlad mo, sila ay magkakagulo. Habang sila ay nagtatalo-tatalo, aandar namang mabilis ang kabuhayan mo, hanggang sa ma-agwatan mo na sila ng milya-milya. Kapag nakita nilang malayong-malayo ka na, magsisisi sila kung bakit hindi na lang sila sumanggayon sa iyo.   Mapalad na kulay ang  maroon.  Masuwerteng numero 6, 15, 18, 24, 38, 42. 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hindi ka gaanong katalinuhan, pero ikaw ang panggagalingan ng magagandang ideya. Kaya marami kang mapapayaman. Kung sila ay napayaman mo, ikaw din ay maaaring yumaman, gamit ang iyong mayamang kaisipan. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero  1, 13,  19, 28, 34, 44. 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Pag-iisipan ka ng masama ng mga lihim na taong naiingit sa ‘yo at ng mga lihim na kagalit mo.  Matutuwa sila sa bawat pagkabigo at kalungkutan mo. Ang hindi nila alam, yong masama nilang iniisip sa ‘yo ay sa kanila mangyayari at magaganap.  Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 3, 12, 27, 30, 37, 42. 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Ang galit at init ng ulo ang magpapahamak sa ‘yo. Sa araw na ito, palitan muna ng pag-ibig ang pagkabugnot. Sa pagpapasensya at pagmamahal sa kapwa, susuwertehin ka. At kapag nawala na ang inis at pagka-asar maguunahan nang magdadatingan sa iyong harapan ang magaandang kapalaran. Mapalad na kulay ang  gold. Masuwerteng numero 1, 19, 25, 31, 41, 45. 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Gusto mo bang makinabang? Makikinabang ka, kung sa halip na komontra, mas makabubuti sa ‘yo ang sumakay lang ng sumakay sa agos ng mga pangyayari.  Sapagsang-ayon sa mga sinasabi nila, ikaw ang unang-unang mabibiyayaan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  7, 11, 13, 20, 37, 43. 

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Sa araw na ito iiral ang malakas mong karisma. Tatalunin ng kabaitan mo ang reklamo at di pag kagusto  ng mga makakausap mo, kaya papaboran nila ang mga bagay na hinihiling mo.  Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 1, 16, 28, 34, 41, 44. 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Dadalawin ka ngayon ng suwerte at ang suwerteng dadalaw sa ‘yo ay suwerte sa negosyo. Mnanatili sa ‘yo ang suwerteng ito hanggang sa ikaw ay yumaman at umasenso. Kaya ito ang panahon upang magnegosyo ka ng kalakal na matagal mo ng plinaplano gawin pero hindi mo maituloy-tuloy. Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero 3, 12, 21, 33, 39, 43. 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Naghahanap ng sarap at saya ang sarili mong hindi nakikita. Ito ay matatagpuan mo sa pagtatapon ng pera. Mag-ingat sa pag-gasta at bago mamili ng mga gamit na hindi naman gaanong kailangan, unahin mo muna ang pag-iipon. Pag maraming-marami ka ng naipon, puwede ka na uling mag-aksaya at gumastos ng gumastos.  Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 4, 16, 22, 28, 31, 44. 

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Pinalakas ka upang alalayan at gabayan ang mga mahihina. Habang tumutulong ka sa mga mahihina at sa mga nangangailangan, lalong lalakas ang iyong kapangyarihan at lalong lalago ang iyong kabuhayan. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 5, 17, 25, 29, 37, 41.   

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ito ang araw na lalo kang palalakasin at patatagin ng langit. Habang patuloy kang nagmamahal at tumutulong sa mga mahihirap at nangangailangan, mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang iyong matatanggap sa darating na buwan ng Pebrero. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerte ang numerong 4, 13, 22, 31, 40 at 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi mo makikita ang hinahanap mo. Bakit? Dahil sa totoo lang hindi mo rin talaga alam kung ano ang hinahanap mo sa buhay mo? Gusto mo bang makita ang hinahanap mo? Tumulong ka ng tumulong sa mga nangangailangan ng walang hinihintay na anumang kapalit – dyan ka liligaya at makukumpleto. Sapagkat yan mismo ang gusto talagang gawin ng pangloob mong pagkatao. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 8, 14, 19, 23, 31, 41.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.