31.4 C
Manila
Monday, May 27, 2024

Online Horoscope Abril 25, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Huwag kang magtaka kapag ang pagtingin mo ay natuon sa maikli ang buhok na masipag sa pagpapayaman at napakaraming pangarap sa buhay. Siya ang puwede mong maging inspirasyon at makakasama habang buhay. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Pakinggan mo ang payo ng mga nauna sa iyo. Tanggapin mo rin ang mga sasabihin ng ilang mas may edad sa ‘yo. Ang kanilang mga salita ay mga gintong aral na iyong pakikinabangan habang buhay Kaya muli, dapat mong sundin ang kanilang mga payo,  upang mula ngayon ang buhay mo’y lalo pang umunlad at mapanuto.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hindi mo hangad ang mga materyal na bagay kaya hindi ka mauunawaan ng mga tao sa iyong paligid. Ang talagang nais mo ay kaligayahan sa pag-ibig at ito ay mapapa sa ‘yo sa darating na mga buwan at taon sa panahong maayos na ang kalagayan ng buong mundo. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kahit hindi ka gumanti, papangit ng papangit ang buhay ng sa ‘yo ay umaaaway at umaapi, dahil ang batas ng karma ay babawi sa kanya. Sa huli maaawa ka sa kanya at kahit ‘di niya alam siya ay iyong patatawarin. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ang kagandahan ay lumilipas pero ang mabuting ugali ay nanataili. “Wag na wag kang mamamali. Sundin mo ang payo na dapat ang pipiliin ay ang may mabuting ugali. Kapag nagawa mo ‘yan, ang tagumpay at suwerte ay tuloy-tuloy ng mapapasa iyo.  Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kapag nagpatuloy na tinutulungan mo ang isang taong may problema, siya ay ma- i-in love sa ‘yo. Kaya ang payo para hindi na madagdagan pa ang sakit ng iyong ulo, wag mo muna siyang pansinin sa ngayon at upang hindi na rin magulo pa ang buhay mo. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Wag mong takasan ang mga suliranin mo.  Harapin mo ng mukhaan at buong tapang. At makikita mong ang mga ito ay magsisitakas sa harapan mo, na ibig sabihin dapat na maging matatag ka at matapang. Kapag nagawa mo yan, magdaratingan sa iyong harapan ang mga suwerte at magandang kapalaran. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Magiging huwaran ka sa pagiging matatag at matibay sa pagharap sa mga hamon ng kapalaran dahil walang pagsubok gaano man ito kabigat ang hindi mo malagpasan. Dahil dito, tuloy-tuloy kang bibiyayaan ng suwerte at pagpapalain ng magagandang kapalaran ng langit.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Isa ang araw na ito kung kailan ay kailangang maging matatag ka at matibay, dahil ang mga tukso ay magtatangkang agawin ka sa kasalukuyang mahal mo. Tibayan mo  ang yong dibdib at supilin mo ang iyong haling na damdamin, upang magtuloy-tuloy ang isang masaya at panghabang buhay na pamilya. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19)  Naaakit ang gamu-gamo sa kislap ng liwanag, kaya nasusunog ang kanyang mga pakpak. Hindi ka dapat masilaw sa magagandang mga bagay. Hawakan mo ang iyong damdamin at magpatuloy kang magpayaman,  malapit na malapit ka ng magtagumpay. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Pansinin mo ang nagpapansin sa ‘yo. Maaaring hindi mo alam pero sa kanya ikaw ay sobrang sasaya at kapag nakilala mo siya ng husto ikaw na mismo ang magsasabing siya pala at ng hinahanap mo. At hindi mo rin alam, na siya pala ang taong magbibigay sa ‘yo ng suwerte at magagandang kapalaran habang buhay. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ang masuwerteng balita para sa ‘yo ay nagsasabing dininig ng langit ang iyong pangarap na magkaroon ng lalo pang mas magandang buhay. Magpasalamat kang lagi sa nasa itaas, sapamamagitan ng pagbahagi ng mga sobra mong suwerte at magagandang kapalaran sa naghihirap mong mga kababayan. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.